And then One day.Naging kami na ni Lance,
Ewan ko paano nangyare basta alam ko Kami na . Pero nagtetext parin kami ni Mark ..
Bip.
Break na tayo..
What ? Baket ? Diba kakasagot ko palang sayo ?
Dahil Mapride ako ..
Sinundan ko ng Okey ... yung reply ko
Gusto mo magkita tayo ?
huh ? bakit ? diba wala na tayo bat naman tayo magkikita ?
Wala, lang para Bonding?
Ah Okey din, Bukas 4:00 pm ?
Aantayin kita sa Kanto ng Pag-asa 3 ?
Okey...
4:00 pm
Pumunta na nga ako sa sinabi niyang lugar na magkikita kami. Yukong-yuko ako. Putspa ! lang ah. Lugar namin toh. Baka makilala pa ako at isumbong ko sa tatay ko.
Stay-in ako sa Tindahan kaya nakakapag-gala ako kung kaylan ko man gustuhin abutin man yan ng madaling araw.
Nakita ko si Lance dala niya yung Bike niya .
Sakay na ?
Huh? ayoko nga baket ako sasakay ?
Alangan naman maglakad ka ?
Tragis! ako sasakay sa Bike.Mabigat ako Nakakahiya.
Ayoko nga nahihiya ako.
Oh. Ikaw mag Bike ako aangkas sayo.
Bumaba siya sa Bike at inaaabot sakin yung bike.
Sabi ko nga sasakay na ako ?
Sumakay na nga ko sa likod ng Angkasan ng Bike niya. Alangan naman siya yung iangkas ko. Masemplang pa kami.
Pinaandar na nya yung Bike .
Saan pala tayo pupunta ?
Sa bahay tayo .
Ayoko nga Hindi ako napunta sa bahay noh ?
Okey. Wag nalang dun ?
Eh. Saan tayo punta ?
Sabi mo ayaw mo sa bahay?
Edi Mag iistroll nalang tayo .Tumango naman ako .
Pinaandar na niya yung bike.Ay nga pala Lance bakit ka ba ? nakipag break saken ? Nagtataka lang ako kasi Kahapon lang kita sinagot ? Tapos nakipag Break kana ?
Siguro may Girlfriend ka noh ?
Hindi naman ako tanga pero Feeling ko may Girlfriend talaga siya ..
Wala noh. Nakipagbreak ako kasi sabi ni Mama pag nagkaroon daw ako ng girlfriend kaylangan pag-uwi niya papakilala ko raw sa kanya .
Oh. Tapos ano Connect nun? sa pakikipag break mo saken . Ayaw pa kasi sabihin na may Girlfriend na siya. Hay nako.
Hindi ko alam kung bakit siya nakipag-break. Diba my gosh :3 Ipapakilala niya lang naman daw sa Mama niya okey lang naman saken Ipakilala . Ang hirap -isink-in sa utak ng Paliwanag niya.
Bahala nga siya.
Huminto kami sa Malawak na Field.
Oh ? Dito na tayo ?