~~~●●●~~~
Sa gitna ng himig, ang damdaming umalipin,
inaarok, pilit na inaarok;
Kaytagal- isa, dalawa, tatlong minuto. Ang kaybangong alimuom,
inaarok, pilit na inaarok;
Wala na nga, mayroon pa ba? Magulo.
Sa saliw ng lumang tugtugin,
inaarok, pilit na inaarok;
Pagnanasa, pagdurusa, panghihinayang.
Sa hiwaga ng himig ng isang pag-ibig,
wala nang maarok, wala na.
~~~●●●~~~
A/N
▪ This piece is written in my beautiful native language- Filipino.
▪ Banner photo is mine, taken April 2014 at Bantay, Ilocos Norte.
