"CHAPTER 01"

226 16 5
                                    


"Merillia P.O V"

Nalalapit na pala ang kaarawan ko,Sa isang linggo na pala. Hmm
Magiging masaya kaya ako sa araw na iyon???

P*tang inang buhay to,Wala pang pagkain...
Napabalikwas ako dahil sa sigaw na nanggagaling sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko,palad ni itay ang sumalubong sa akin.

Pakkk..

Napahawak nalang ako sa pisngi ko pero wala man lang na kahit na katiting na luha ang Namutawi sa pisngi ko.Sanay  na kasi ako,kung baga ang pangyayaring  itoy natural na sa akin.

Ano kaba naman Lucas anak mo yan...galit na sigaw ni inay at
Dinaluhan ako't yinakap.
Anong anak pinag sasabi mo diyan??gitil na tanong ni itay,alam ko namang ampon ako,lagi ba namang sinasampal yan sa pagmumukha ko,araw_araw,mini_minuto naririnig ko.Tingin niyo makakalimutan ko pa yun??

Wag kanang mag_aral wala na tayong  pera pantustos sa pesteng luho mo na yan.
.this time napaangat na ako ng ulo dahil sa narinig ko.
Tay,Hindi yun luho,gusto Kong mag_aral..giit ko sa kanya habang namumuo na sa mga Mata ko ang luha .pero Hindi niya ako pinansin at naglakad na papunta  sa Barko nila para maglayag na.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo papuntang dalampasigan,Kung Saan ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko.

Anakk.   .....
Tawag pa sa akin ni inay pero Hindi na ako lumingon.Lumangoy ako at sumisid sa pinakamalalim na bahagi,wala na akong  pakialam kung malunod pa ako.

Habang palalim ng palalim ang napupuntahan ko,ang mga luhang bumubuhos sa pisngi ko ay sumasabay sa galaw at saliw ng tubig.Mga isdang animoy dinadaluhan ako sa kalungkutang nararamdaman ko.

Napatigil lang ako dahil biglang sumakit Ang paa ko,Parang pinagdidikit ito o pinupulikat lang ba ako??

Hanggang sa maramdaman Kong nawawalan ako ng hininga ,
Hindi ko na kaya kaya hinayaan ko nalang na pumasok sa Ilong at bibig ko ang tubig.
Pero laking  gulat ko nalang ng mapagtatanto Kong nakakahinga ako ..

O.O ,ganyan ang reaksyon ko ng makita kong nagbago ang paa ko,naging buntot sirena ito,kulay asul na kumikinang.
Anong ibig sabihin nito??
Sirena ako??
Napatingin ako sa kwintas ko na ngayon ay lumiliwanag.

Anyare???

Wooohhhhh....
Tuwang_tuwa ako habang nageesnorkling sa ilalim ng tubig.
Maraming isda  aking nakakasalamuha hanggang sa diko inaasahan ang makikita ko,magkakasalubong kami.
Isa siyang pating, panu nalang pag kinain niya ako???

Ahhhhh ahhhhh hhhh
Malakas na sigaw ko lalo pa akong  nagulat ng sumigaw rin siya,yung totoo namamalikmata lang ba ako??!

Don't be scared,I will not hurt you...
Ihhh nose bleed ako Kay Mr.shark.
Mahihimatay ako sa mga nasasaksihan ko..
Wahh pakisampal nga ako.

Ehh nagsasalita??? Kinakabahang tanong ko.

Obvious ba???sagot naman niya,pigilan niyo ko babatukan ko to at huhulihin ko at iihawin ,ipapakain ko sa tatay ko ng bumait naman.hahaha

Paano??! Namamanghang tanong ko .
HahahaXD Malamang sirena ka kaya nakakausap mo ako..hmm sabi niya habang tumatawa.

Tao ako Hindi sirena...agad Kong sagot na ikinagulat niya.
What??? Bakit may buntot ka?? Tanong niya ,para kaming nasa  pageant,question and answer..tssss
Ewan ko,paglusong ko kasi kanina nagkaroon ako nito,Hindi naman to nangyayari sa akin nung lumalangoy ako dati,ngayon lang talaga.. Paliwanag ko sa kanya.

Woohhh sirena ka nga talaga,ngayon lang lumabas ang buntot mo dahil nalalapit na ang hustong  edad mo tama?? Muling sabi niya na nagpanganga sa akin.
Wahh totoo ba talaga ito?? Panaginip lang to,kinurot ko ang sarili ko kaya napaaray ako.totoo nga....

Pero bakit yung mga sirenang  napapanood ko sa TV,kapag ipinanganak ay may buntot na agad???curious lang ako kaya naitanong ko.
Tama ka ganun nga ang sirena,
Nakikita mo ba ang kwintas mo na nakasabit sa leeg mo,yan ang oceanic stone.
Magkakaroon ka ng paa kapag aapak ka sa lupa kapag nabasa naman Ang paa mo magkakaroon ka ng buntot lalo nat malapit kanang maging  ganap na sirena..dugtong pa niya,Ako lang ba ang tanga sa mundo at Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng isdang to????

Ako nga pala si pat,ikaw??!pakilala niya sakin.
Ahh meri nalang ..sagot ko nalang.

Nakakapagtaka na ang buntot mo ay kulay asul..hmmm. Sabi niya at wari koy may iniisip siya,pinalibutan pa niya ako at sinusuri.

Anong ibig mong sabihin???

TO BE CONTINUED:

Votes

Comments

Chiarah_30
#otor

"I am A Mermaid"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon