Misery of a Gangster by rcllyzprdll
Andy's POV
Nasa outing kami ngayon ng family ko dito sa boracay.
Wew! Ang daming chikabeybs ah. Haha Patungo na kami nila Andrew at Kuya sa napakagandang dagat. Hayy, ang sarap lumangoy! ~o~
Langoy lang ako nang langoy ng mapansin kong nawawala sina kuya. Nasa'n na kaya yung mga yun? At nasa'n na yung iba? Yung mga chikabeybs kanina?
Nagtataka talaga ako kasi kanina ang daming tao dito tapos ngayon nag-iisa na lang ako. Naisipan ko na lang umahon. Langoy, langoy, lango----
Ano to? Bakit hindi parin ako nakakalayo? Kanina ko pa sinusubukang lumangoy pero nandito pa rin ako sa malalim na parte ng dagat.
Sinubukan ko ulit pero nandito pa rin ako. Ahhhh! Hindi na ako makahinga! Ano ba tong nangyayari?!
Unti-unti na akong nanghihina pero nagpatuloy pa rin ako sa paglangoy kahit alam kong hindi naman ako gumagalaw.
Hindi na talaga ako makahinga at sobrang nanghihina na ako. May napansin akong paparating. Isang tao--- ay hindi! Isang dolphin-- ay! Isang isda! Ano ba kasi to? Hindi ko masyadong maaninag kasi malayolayo pa. Pero nung malapit na sya sa'kin O.O -- isang sirena!
Cheong. Sabi ko sa sarili ko. Pero panong????
Ayy teka! Hindi pa rin ako makahinga! Huhuhu. Pero kiber na lang. Ang importante nasa harap ko na sya.
Palapit na sya ng palapit sakin at nung nasa harapan ko na sya'y niyakap niya ako.
Tumingin siya sa'kin, unti-unti niyang inilapit and mukha niya sa mukha ko. Pero shit lang! Wala na yatang hangin yung utak ko! Palapit na nang palapit ang mga mukha namin hanggang sa maramdaman ko na ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko.
Cheong, mahal kita.
Sabi ko sa isipan ko.
"Saranghae Andy"
Pero bakit parang may mali? Parang may kakaiba. Bakit dinidilaan niya ako instead na halikan? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at----
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"
Napabalikwas ako nang makitang hindi si Cheong ang nasa haral ko. "Takte naman Tunner? Akala ko si Cheong na! Panira naman eh! Tss", nanghihinayang kong bulyaw sa kanya.
"Arff!"
Tsk. Akala ko talaga totoo na eh! Pshh! Kilala nyo si Cheong? Yung mermaid sa The Legend of the Blue Sea. Ang ganda niya kasi tapos ----
basta ang ganda niya lang talaga!"Andy! Wake up. It's already 7:30! Mali'late ka na nyan!", dinig kong sigaw ni mommy galing sa baba.
Shit! 7:30 na pala! Bakit ngayon niya lang ako ginising?
"Yes mom!", sagot ko na lang. At dumiretso na sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo, nagtoothbrush na rin ako tsaka nagbihis. Nagmadali akong bumaba kasi paniguradong mali'late na naman ako neto.
"Oh Andy, hindi ka ba muna kakain?", tanong ni mommy nang mapansin niyang dire-diretso ako sa main door.
"Nah, I'll just eat in the cafeteria mom. Tsaka, may exam po kasi ako", sagot ko.
BINABASA MO ANG
Misery Of A Gangster
RandomThere's this hot, handsome, elegant, but snot gangster. He's a son of a very prominent mafia boss. He never listens to somebody's side or let's just say that he's a damn egocentric person. But the time would come that he'll meet a boyish, cool, p...