Chapter 5

174 2 0
                                    

*************

Black Petal POV

Lahat nanlumo sa naging sagot ng Empress kahit ako inasahan kong ganito ang mangyayari pero iba parin pala kung sa kanya mismo galing ang mga katagang yun. Lahat nag mumokmok, dismayado sa naging turan nito. matagal naming hinintay ang pagkakataong ito na makasama namin sya ulit. sana lang di pa sarado ang utak niya sa mga bagay bagay, at gagawin namin ang lahat mag bago lang ang isip nya

"hayy ibang iba na sya sa denesse na nakilala natin noon naging cold na sya sinasarili nya lahat" biglang sabi ni thunder sa kalagitnaan ng katahimikan sa buong silid, matapos umalis ni Empress ngayon lang muling may umimik lahat naging tulala, Ang laki na nga ng pinag bago nya, ang dating palangiti, masayahin, makulit ay nawala na, ramdam ko ang lungkot, pangungulila at nag aalab na galit sa mga mata niya,

Noon siya ang puso ng buong barkada dahil palakaibigan ito, sya ang dahilan kung bakit lahat kami ay magkakaibigan kaya mahal na mahal sya ng lahat

"kung pinili ba nating lapitan sya noon ay di sya naging ganun?" sabi ni cloud na tutok na tutok sa computer niya, oo nga matapos ang aksidenting yun pinagbawalan na kaming makipagkita sa nino mang myembro ng pamilyang Herwin ng mga magulang namin. kaya nag kabuwag buwag ang barkada. Di na kami nagkikita simula nun.Sa mga panahong yun ginugol ko ang lahat ng oras sa pag aaral at pag iinsayo, salamat sa taong tumulong sakin na pasulpot sulpot satwing mag iinsayo ako, nang magaling na ako hinikayat ako ng taong yun na pasukin ang gangster world, sa di ko matandaang dahilan agad akong pumayag nun, pero di ako nag sisi dahil doon sa arena muling nabuo ang barkada at sama sama kaming lumaban,

"ewan di ko alam basta ang alam ko sinisi nya lahat sa sarili nya ang pangyayaring naganap noon dagdag pa na iniwan natin sya" seryusong sabi ni Lightning. Madalang lang syang umimik

Kung umimik man sa mga importanteng bagay lamang na pag uusapan. Alam kong sa aming lahat dito sya ang pinakaapektado, alam namin kung gaano kahalaga si Denesse sa kanya, kung sabik kami na makasama ang isang yun double o triple pa ang sa kanya, dahil si denesse lamang ang kaunaunahang tao na tumatanggap sa kanya noon tanda ko pa nung mga panahon nayun laging binubully si lightning sa school dahil sa pagiging nerd nito at mataba pa na galing lamang sa orphanage, nung dumating si denesse sa school namin ito na ang taga pagtanggol sa kanya di lang sa kanya kundi sa lahat ng binubully, sya ang taong di tumanaw sa antas ng buhay, mabait, masaya kasama, palakaibigan, ayaw nya ng may inaapi, napaka cute ng batang denesse noon kaya marami ang humahanga sa kanya, kaya lang di ka basta basta makalapit nito dahil laging nakabuntot ang mga body guards nya, Ang pamilya niya ay isa sa mga pinaka respetado at pinakamapangyarihang tao sa mundo ng business industry kaya di ito basta basta malapitan ng kahit sino man, kaya maswerte kami na naging kaibigan nya dahil sya mismo gumawa ng paraan makalapit lang samin, tanda ko pa noon na hinabol kami ng sangkaterbang men in black dahil tinakasan lang pala niya ang mga body guards para lang makapunta sa amin at makipaglaro ang saya namin sa mga panahong yun kasama sina Rain, Gene at Shine sayang lang at nawala sila, sila pa namang apat ang pinaka close.

"di natin sya masisisi dahil tatlo agad sa mga pinakahahalagaan nya ang nawala sa isang iglap lamang kahit ako ganon ang mangyayari lalo nat sa harapan nya pa mismo nangyayari ang lahat." saad ni storm, tama sa harap mismo nya binawian ng buhay ang tatlong bestfriend nya, ang masakit pa noon ito ang sinisisi sa pagkamatay ng tatlo ng mga magulang nito. Kaya ganun nalang ang pagnanais nyang makapag higanti. Nang makapasok na kami ng arena di na namin sinayang ang oras linabanan namin ang lahat para mapunta sa tuktok nito at di naman kami nabigo naging rank 1 kami at pinanatili para sa kanya, simula nun lagi na namin syang minamatyagan alam kong imposibleng di nya kami napapansin, kami ay nababahala dahil hanggang ngayon may nag babantang panganib sa kanya lalo na ngayon na pinasok na nya ang gangster world.

SILENT REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon