Chapter 6

152 4 0
                                    

a/n sabaw ang update nato pag pasensyahan nyo na.

==================

Denesse Point Of View

Tumalon ako sa bintana pababa ohh ang taas pala OoO!! Naku naman denesse gumana na naman ang katangahan mo.

Binalansi ko ang aking katawan habang nasa ere at minabuting maayos ang paglalanding ko

Howp success \^_^/  salamat naman sa mga invisible wings ko

Agad na inayos ko ang aking sarili

Patuloy parin ang putukan

Tumungo ako sa mga taga haciendang lumaban  shit marami ng sugatan!  Dali dali kong nilapitan ang isang taong nakahandusay na sugatan sa may balikat nito at tinalian ang sugat gamit ang sarili nyang damit bahagya pa syang nagulat sa ginawa ko pero agad din itong napalitan ng ngiti "kaya mo bang lumakad?" sabi ko sa kanya at napatingin naman ako sa may binti nito may tama din. Di na ako nag aksaya ng oras binuhat ko agad ito at tumakbo dun sa ligtas na na lugar "stay here babalikan kita maya maya" sabi ko

"salamat" iniabot nya ang kanyang baril  tinannggap ko naman ito at tumakbo palabas

Nakisali na ako sa mga taong nagkakagulo

Damn! Ang ayoko sa lahat ay sinisira ang kalikasan maganda na sana kung fireworks ang naririnig kong putukan pero hindi eh! mga nagliliparang bagay na pwedeng ikatigil ng inyong buhay! At yun ay di ko mapapalampas!

Walang sali-salita mabilis kong tinurukuan ng pampatulog ang unang kalaban na nadaanan ko at hinugot ang katanang nakasabit sa may likuran nito

Pasensya na kuya kailangan ko lang gamitin ang sandata mo ibabalik ko to mamaya promise.

Tss mahirap ba akong patayin at napakaraming pinadalang mga tauhan dito. Mga duwag!!

Iwinistra ko ang katana panangga ng mga balang paparating sa akin kung ako man ang pakay nila ibig sabihin may mga matang nagmamatyag sa akin kahit saan ako pupunta, kung ganon nasa malapit lang ang taong yun, ano bang kasal-anan ko at ganito kagulo ang buhay ko litse kasal-anan ko bang ganon kasipag ang mga magulang ko at natamo nila nang ganon kayaman punyita!

Ilag

Sipa

Suntok

Padyak

Turok

Ang ginawa ko, ayokong madungisan ang kamay ko sa mga dugong di kanais nais pag aksayahan ng panahon

Tumakbo ako palabas kung ako nga ang pakay nila susundan nila ako, kailangang dalhin ang laban malayo sa hacienda para di masyadong makapinsala at walang madadamay pang iba

Ilang sandali lang ay may humarang agad sa akin, di ko maitindihan pero iba ang kinikilos nila tila may inaabangang paparating at may nag aambang panganib na mangyayari, pilit nila akong pinabalik sa loob kaya napilitan akong tinukod ang katana at bumuylo patalon palampas sa kanila, nang lumanding ako sa lupa ay agad na humarorot sa pagtakbo palabas nang napakalaking gate

Ngunit pag labas ng gate ay kusa akong natigilan

Anong nangyari?

Anong ibig sabihin nito?

Puno ng katanungan at pagkalito ang isip ko. Napakaraming tao sa labas na tila ba mababangis na hayop na nag aabang ng may lumabas na nilalang galing sa malaking gate na ito at handang lapain para sa hapunan. Napasinghap kaming lahat nang  sabay itinutok sa dereksyon namin ang lahat ng mga sandata nito, Parang di rin inasahan nang mga tauhan ng hacienda ang ganito karaming kalaban, ito ba ang dahilan kung pilit nila akong hinarangan kanina? Napalingon ako sa likuran ko, marami palang sumunod sa akin kanina, seryuso ang mga mukha nila pero di ko ikaila  ang takot sa mga mata  nito. Sa dami ng kaharap namin ngayon alam kong dehado kami. Ibinalik ko ang paningin sa harapan 'no ayokong may madamay na naman  at magbuhis ng buhay dahil sa akin' humakbang ako pero may humila agad sa akin at tinulak dun sa gilid mabilis ang kilos ng taong yun dahilan para mapasubsob  ako ngunit may agad na sumambot sa akin na para bang ingat na ingat na di ako masasaktan. Bakit nila ginawa yun alam ba nilang pwede silang mapahamak dahil lang sa pag protekta sa akin? Narinig ko ang mga nagsikasaang mga baril     No!    Kusang kumilos ang katawan ko papalapit sa may bandang unahan may mga pumipigil sa akin pero di ko lang iyon  pinansin.  Agad namang may  pwersahang humablot sa braso ko kaya galit na binalingan ko ang taong yun

SILENT REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon