I know it wasn't an easy decision for Van. Hindi ko alam kung bakit kaya niya akong hintayin kahit pa hindi ko naman kayang sabihin sa kanya ang nakaraan ko. Pero nagpapasalamat na lang ako dahil ramdam kong mahal talaga niya ako.
Tuwing linggo ay sumasama ako sa kanya sa simbahan. Pagkatapos ng misa ay lalabas kami. Naging komportable na talaga sina mama at papa tungkol kay Van. Kung minsan ay iniimbita talaga siya sa bahay para mag-dinner. At masaya rin ako dahil pakiramdam ko malaya ako. Malaya kami ni Van sa mga magulang ko.
"Kailan ba kayo magkakabalikan ni Van?" Tanong ni Gibrielle habang nag-eenroll kami.
June 1 na pero ngayon lang kami sinipag ni Gibrielle mag-enroll. Syempre, pareho na naman kaming schedule. At pagkatapos namin dito ay pupunta na kami sa condo ni Damon para i-celebrate ang birthday niya.
"Baka sila na ulit," Nakangisi namang sabi ni Damon.
Napangiti rin ako. "Hindi pa." Nilingon ko si Gibrielle. "May hinihintay lang ako."
Hinihintay ko na tuluyan ko nang maramdaman na wala na si Paul dito sa puso ko. 'Yung talagang malaya na ako mula sa mga pinagdaanan ko sa past. Hindi ko alam kung matagal pa ba o hindi pero iyon na lang ang hinihintay ko. Gusto ko kasi kapag binalikan ko na si Van, buo na ulit ako. Siguradong-sigurado na ako na siya lang ang nasa puso ko.
"Anong hinihintay mo?" Tanong ni Gibrielle.
Nagkibit-balikat na lang ako.
Pagkatapos namin makakuha ng schedule ay nagpaalam na sina Damon at Gibrielle sakin. Nasa parking lot na ako at hinihintay si Van. Tapos na sila magpa-enroll, kami lang talaga ni Gibrielle ang nagpahuli dahil masyado kaming nagka-hang over sa mga bakasyon namin noong summer.
Napangiti ako nang makita ko na ang Tesla na palapit sa akin. Huminto ito sa tapat ko. Masaya akong sumakay dito at tiningnan ang gwapong driver na naka-man bun na ulit. Parang ang tagal na simula nung huli kong makita siyang naka-man bun.
"Saan yakult mo?" Pagbibiro ko.
"Tapos na." Aniya at nilingon ang yakult na wala na ngang laman na nasa dashboard niya.
Natawa na lang ako.
Nag-drive na siya papunta sa condo ni Damon. Nagpaalam na ako kina mama at papa kaya alam nilang gagabihin ako ng uwi saka ihahatid naman ako ni Van.
Pagkarating namin sa condo ni Damon, nakahanda na agad ang mga pagkain. Sumaglit din ang pamilya niya at umuwi na. Hinanda na nina Yule at Brix ang mga iinumin. Sinundan ko naman si Gibrielle para tulungan na ilabas ang mga chichirya at iba pa nilang pulutan.
"Hindi na naman tayo pwede uminom." Ngumisi si Gibrielle at pinakita ang juice na iinumin namin.
"Nakakainis sila!" Tawa ko. "Kahit 'yung wine lang!"
"Alam ko na!" Mas lumaki ang ngisi ni Gibrielle.
"Anong gagawin mo?"
Nginisian lang niya ako. Kinuha niya ang isang bote ng alak sa ref at hinalo sa tinimpla niyang juice. Natawa ako sa ginawa niya. Lumingon-lingon naman ako para magbantay sa mga pwedeng dumating. Pagkabuhos ng lahat ng laman ay tinago na niya ang bote. Lumapit ako sa kanya para makipag-apir. Ngayon ko lang naisip ang ganito.
Binalikan na namin ang AGP sa sala. Masaya na silang nagkukwentuhan. Tumabi na si Gibrielle kay Damon at tumabi naman ako kay Van. Bigla akong natense sa mga titig niya. Para bang may alam siya sa ginawa namin ni Gibrielle. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
That Forbidden Love (TFL SERIES #2)
RomanceZanea fell in love with Paul, which later on known to be her cousin. She tried her best to move on. They moved place and met this dark knight man bun, who always sips from his favorite drink yakult. He has this aura that she didn't know was a trap...