Jhaymee's POV
Hi. ^__^/
Ako si Jhaymee Carlos. 16 years old. Pinanganak sa QC. Mali. Sa ospital pala.
Magulang ko sila Mama Acee at Papa Vic. Actually ampon lang ako, hindi sila ang tunay na magulang ko (ampon nga diba) pero kahit na ganun mahal ko sila kasi pinalaki nila ko ng maayos at inalagaan.
Hindi nila ko pinabayaan at ayaw din nila ako na nasasaktan. Na ultimo dati nung bata ako lagi nila kong binubuhat kasi ayaw nila kong palakarin baka daw madumihan paa ko, lagi nila kong sinusubuan sa pagkain kasi ayaw nilang madungisan ako, ayaw nila kong palabasin ng bahay kasi polluted daw sa labas baka bumaho ako.. Yung totoo, tinatamad lang siguro silang linisan ako ano? joke.
Eh pero dati yun. Ngayon kaya ko na sarili ko. Hinahayaan na nila kong gawin ang gusto ko. At ngayon 4th year na ko, wala lang high school pa rin ako xD de joke, g-graduate na ko. Pero next year pa. First day of classes pa lang ngayon noh.
At dahil first school day ngayon, kelangan ko nang gumising. Tulog pa kasi ako eh. (Oh astig diba tulog nagsasalita?) dinilat ko na mga mata ko. Hmm~ madilim pa.
Inangat ko ulo ko para tignan yung oras sa may side table ko. 5:10 palang. Hayyyyy. 10 mins. matutulog muna ulit ako -___-Zzzzz..
O________O *tingin sa orasan* 6:40 na?! ambilis naman T3T inaantok pa ko~ hinihila pa ko ng kama ko~ wala tayong magagawa late na ko~ T_T
Naligo na agad ako at nagbihis kasi nga late na ko. Unang pasok late ako. Tsk, ba yan. 7:30 first subject namin pero dahil first day of school ngayon (paulet ulet nakakapagod nang itype) may flag ceremony kami. Baka mamention pa ang napakaganda kong pangalan ng prinsinpal naming si Sir mamaw-- halimaw-- bakulaw-- Agabaw pala. Napakastrikto nun nako!
Eto na kumakaripas na ko ng takbo palabas ng bahay----
O_____O naalimpungatan ako..
NAKAHIGA PA RIN AKO?! Ano yun panaginip lang yung kanina?! TAE NAMAN T_T *tingin sa orasan* 6:58 na HUHUHU. Wag na lang kaya ko pumasok? kainis naman ohhh. OO. TAMA. HINDI NA LANG AKO PAPASOK. *tango tango*
*higa sa kama*
*TOK TOK TOK!*
"AH TAE!" napabalikwas tuloy ako sa higaan at napa-upo.
"Gising na Jhay! LATE KA NA OH!" ano ba yan si mama eh -3-
"MA HINDI PO AKO PAPASOK!" sigaw ko pabalik
"HOY ANONG HINDI PAPASOK? UNANG PASOK SA ESKWELAHAN DI KA PAPASOK? BANGON NA DYAN! ISA!"
"dalawa"
"DALAWA"
"..."
"BANGON!"
"MALI MA, TATLO PO. TATLO."
"ABA'T. BUKSAN MO NGA TONG KWARTO MO. AGA AGA NAGSISIGAWAN TAYO"
gumapang ako sa kama ko papalapit sa may pintuan. tinungkod ko yung isa kong kamay sa side table, yung isa naman pinangabot ko para mabuksan yung pinto (haba ng explanation magbubukas lang ng pinto)
Pagbukas ko ng pinto humiga na ulit ako
"Ano bang pinagsasabi mong di ka papasok?" pumasok na si mama at umupo sa may kama
"Di po ako papasok"
"Ano? Anong kaartehan yan Jhay anak. Pakiexplain." sabi ni mama habang kinukuha yung kumot ko at itinupi
"Ma naman, late na ko oh. Wala ng pag-asa yan. Di na ko aabot. Boo"
"Eh kung kanina ka pa kasi bumangon dyan at nag-ayos edi sana kanina ka pa nakaalis KAYA BILISAN MO NANG MALIGO KUNDI BABAWASAN KO ALLOWANCE MO" di naman sya nasigaw pero boses nya nakakatakot. ang creepy~~ whoo~~ ( ~*o*)~