Chapter Two(2)

24 1 0
                                    

Jhaymee's POV

"TAKTE NAMAN STEVEN. BAT BA NANINIGAW KA HA?" 

napakalakas yata ng boses ko kaya napatingin samin yung ibang mga estudyante, tae .. nasa line formation nga pala kami -_-

nanlaki mata niya dahil sa pagsigaw ko sa kanya, tapos kinuha nya yung kamay kong nakalagay sa may kaliwang dibdib ko tsaka tinaas ito.

"Panatang Makabayan na, Lupang Hinirang ka pa rin?"

"Ah-eh.. pwede namang kalabitin mo na lang ako ah, bat kailangan naninigaw ka pa? ah-hehe." grabe. kakahiya tong ginawa ko ><

"Ehem. kanina pa kita kinakalabit. hinihila ko na nga yung buhok mo eh. ayaw mo pa rin mamansin dyan -.- nananaginip pa kasi" 

bigla namang sumulpot yung adviser namin

"Ms. Carlos and Mr. Lopez, go with me at the faculty room later after the flag ceremony" mahinang sabi ni ma'am samin.

"Y-yes ma'am" sabay namin sagot

Tsk. Patay.

Pagpasok at pag-upo namin sa may faculty room, nakayuko pa rin kaming dalawa nitong loko-lokong to

"Why are you both shouting at each other during the flag ceremony? Did you know that .. *blah blah blah blah*" at marami pang dinaldal si ma'am

"Ms. Carlos"

napadiretso agad ako ng tingin sa kanya.. kakagulat.. wala man lang signal? mention agad?

"Yes ma'am?"

"Why did you shout at Mr. Lopez?"

"Ma'am kasi naman po---"

"What did you say?"

"Ma'am ang sabi ko po---"

onti-onti nang tumaas ang kilay ni ma'am, lesheng engilsh policy yan oh -_-

"*sigh* Ma'am I said that he is the one who started shouting at me during the flag ceremony" (nosebleed .!!.)

nilipat nya ang tingin nya kay Steven na nakayuko pa rin

"Mr. Lopez.." itinaas lang nya ang tingin nya kay ma'am ".. do you want to defend yourself?" eh? ano to nasa korte ba kami?

"Uhh.. it's true, I shout her ear" pagkasabi nya nun eh yumuko ulit sya. 

'I shout her ear'. 

Geh Steven. Maganda yan. Kala ko ba matalino ka? Matalino ka diba?

"You mean, you shouted at her ear. right?"

"Yeah ma'am"

"And why did you shout at her ear?"

"because... uhmm... it is Panatakang Makabayan but her hand is not going up."

"pffffttt.. hehe.. hehehe..hehehe" ako yan XD. takteng english yan Steven! XD

"Hayyy.. Sige, let's talk in Filipino na lang. But atleast you tried your best Mr. Lopez" pag-give up ni ma'am sa nakaka-nosebleed na lengguwahe ni Steven XD.

Napakamot na lang ng ulo si Steven dahil may kuto sya (joke) dahil siguro sa kahihiyan XD

"Panatang Makabayan na po kasi nun tapos nasa kaliwang dibdib pa rin nya yung kamay nya, kanina ko pa sya kinakalabit, hinihila ko na nga po yung buhok nya eh, ayaw pa rin po nya mamansin.. kaya nasigawan ko sya"

"Tignan mo, kanina ang ikli ikli ng explanation mo ngayong pinagtagalog ka ang haba na, haha" pang-asar ko >:D

"So what?" sagot nya na inenget pa ang ulo nya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Way of Falling In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon