~TEEN 1
Alam mo yung feeling na nalaman mong crush ka pala ng ‘crush’ mo?
Yung halos di ka makapaniwala dahil nagkagusto siya sa tulad mo na hindi nag-e-expect na magugustuhan ka niya at akala mo hanggang tingin ka nalang sa kanya.. Alam niyo yun? *^_____________________^*
Pero nalaman mo nalang bigla na niloko ka lang niya at pinaasa. Ang sakit nun diba?
Sobra... </3
“WAAAAAAAAH! Sis,yung brother mo nandyan!!” – girl 1
“Nasaan??” – girl 2
“Ayun sa may bandang gate! Shet! Ang gwapo talaga ng kuya mo!!” – girl 1
“Uy sis pakilala mo naman ako. Please???” – girl 3
Amp. Ang lalandi naman nitong mga ‘to -_-
Ang sakit sa tenga ng mga boses nila.
“Oww! Pare,gumawa kana ng kogido!” (sabay batok) – boy 1
“Ayoko nga! Tinatamad ako! Kayo nalang gumawa!” – boy 2
“T*ng in* naman nito! Yun na nga lang,hindi mo pa magawa pre??” – boy 3
“Minura ba kita?? T*ng in* mo rin! Ikaw nalang gumawa kung gusto mo!” – boy 2
“Ah ganun ba? Wag kang lalapit samin at manghihingi ng sagot mamaya ha,kundi uuwi ka na dumudugo ilong mo!!” – boy 1
Hayy.. murahan dito, murahan doon ..
Ang yayabang pa. Pero mga takot naman mapunta sa guidance office..
“AJ! Nag e-emo ka na naman dyan ah!”
Tiningnan ko ng masama yung nagsabi nun sakin.. Bigla naman siyang ngumiti ng pilit na parang natakot sakin sabay lumakad palayo..
Porket ba tahimik lang, nag e-emo agad??? Hindi ba pwedeng pinagmamasdan ko lang mga ‘wild animals’ sa paligid?? Tss..
Blah blah blah blah blah.. Tss. Ang iingay talaga! Akala mo isang taon silang hindi nakapagsalita eh -_-
Hindi naman ako KJ.. Pero wala lang talaga ako sa mood mag-ingay ngayon dahil nagluluksa ako eh..
Nagluluksa sa puso kong nasugatan. T_T
WEW?!!!
Hindi yan joke pero alam ko korni.
Nasaksak kasi ako sa puso eh.. (push lang)
Sinaksak ako sa puso ng taong gusto ko at mahal ko.. (sige push pa)
Ang sakit.. -_- you know! Hmp.
Hahayy. Tama na nga yang kadramahan na yan. =))
Pero masakit talaga eh >_<
Periodic exam namin ngayon.. Isang oras na kaming naghihintay sa adviser namin na pumasok sa room..Isang oras na rin akong naririndi sa mga ngangabu nitong mga classmate ko..
Gusto ko takpan ang mga tenga ko at makinig nalang ng mga kanta kaso wala eh..
Eh kasi naman manghihiram sila ng earphone,hindi naman binabalik agad. Inuuwi pa sa bahay. Haixt! Wala tuloy ako magamit ngayon. Hmp.
“Pag hindi pa talaga nabalik yung earphone ko ngayon,itutumba ko talaga yung bahay nung nanghiram nun.” -__-
Pero syempre joke lang.. hindi ko kaya magpatumba ng bahay na ako lang..
BINABASA MO ANG
TEEN 9
Teen FictionThis is a collection of oneshot stories :) Hope you'll like it..