Teen 2

44 2 0
                                    

>>Class dismiss<<

“Hayyyyyyy..”

*hikab

*unat

Sa wakas uwian na..

Nakakabagot ngayong araw sa loob ng room..

Ni isang teacher walang pumasok sa room namin.. Paano ba naman, hindi nila sinabi na may program pala ang mga teachers ngayon araw na ito..

Hindi man lang nila in-announce kahapon na may program at saka walang gagawin sa room..

Aksaya lang ng oras eh -_-

Kung sinabi nila kahapon pa na walang kwenta lang ang pagpasok namin ngayon edi sana kasama ko na boyfriend ko ngayon.. -_- tss..

XD hahaha charoterang palaka.

Araw pa naman namin ngayon.. Hmp.

Naglakad na ako palabas ng gate ng school nang may kumalabit sa balikat ko.. Napalingon ako kung sino yun..

“Hi Nikka! ^____________^”

“Ai.. laki naman ng ngiti mo.. konti lang dapat..”          

“Ganito ba? ^___^”

“Oo.. ganyan nga :)”

Siya si Kevin.. Bestfriend ng boyfriend ko.. ka- bandmate din niya..

“Kamusta kayo ni bestfriend? Uyyyy.. Monthsary niyo ngayon ah.. ^____^ Happy monthsary sa inyo hehe.”

“Salamat Kevs ^_^ Okay naman kami..”

“Buti naman kung ganun. Ayiiii nakakakilig kayong dalawa ni Lee.. Tiwala lang ha. Magtatagal din kayo..”

Sana nga magtagal kami..... :’)

Nginitian ko lang siya..

“Oh bakit parang pilit yang smile mo? Hindi ka pa rin ba maka get over? Hayy Nikka.. Wag mo na pansinin mga sinasabi ng ibang tao sayo.. Dapat magtiwala ka lang sa bestfriend ko..”

Pagkasabi niya nun ay inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko..

Hindi naman sa hindi ako maka get over sa mga sinabi ng mga tao sa paligid ko.. pero syempre nag-iingat lang din ako.. Ilang beses na akong naloko kaya ayoko maulit sa akin yun..

Three months palang kami ni Lee ngayon..

Nung unang buwan na naging kami, masaya naman kaso medyo wala pa akong tiwala sa kanya.. Pangit din naman kasi na magtiwala agad diba.. Lalo na’t marami ang nakapagkwento sakin ng kung anu-ano na tungkol sa kanya..na hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi..

Nung una rin naman naramdaman kong hindi pa siya seryoso.. at ramdam kong pansamantala lang niya ako..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEEN 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon