Chapter 9

7.5K 108 0
                                    

_chapter 9_

"Good Morning Baby!!"
Bati niya sa anak habang nagluluto ng breakfast.
"Mommy gumising na po ba si daddy!!!"
"Hindi pa baby eh"
"Sabi nya po kasi, sabay kami mabreakfast"
"Wag mong-" bago pa man niya matapos ang sasabihin.
Tumakbo na ang bata papunta sa kwarto ni Rafe.
Ilang saglit lang ay bumalik ang anak niya,
nakabihis na ito, kasama ang binata.
Marahil ito ang nagbihis sa anak niya.

Habang kumakain, nahuhuli niya ang binata na nakatingin sa kanya.
kapag ka ganun ay bigla naman itong iiwas ng tingin.
Maging siya ay nahihiya na din tumingin.

Hanggang sa sasakyan, nakikita parin niya ang bawat sulyap sa kanya ng binata.
mga sulyap mula sa rear view mirror.
Tuwang tuwa naman ang anak niya.
Unang beses kasi siyang ihatid sa school ng kanyang ama.

Pagdating sa School ng bata.
Naunang bumaba ang binata at pinagbuksan ang anak.
Hindi niya hinintay pang pagbuksan din siya.
Baka mapahiya lang siya, kung hindi nito gawin ang iniisip niya.

Akmang hahakbang pababa siya ng sasakyan ng aksidenting matapilok siya.
At akmang matutumba, ngunit tila sinasadya ng panahon at pagkakataon.
Sa subrang takot ay napapikit siya.
Halos mapasigaw siya sa takot.

Ngunit napalitan ang takot na nararamdaman niya.
May kung ano ang sumalo sa kanya.
Ay mali, may kung sino ang sumalo sa kanya.
Pagtibok ang kasunod niya narinig.
Nararamdaman din iyon ng kanyang palad.
Iginala niya ang kanyang kamay.
malapad!!, matigas!!!.
may tumitibok.
unti unti niyang binuksan ang mga mata.
Mukha ng isang Anghel ang nakita niya.
Teka!!!, Si Rafe Anghel???
Ang lalaking yan Anghel???

mukha ng isang tila anghel ang nakita niya.
Gwapong mukha!!, malapad na dibdib.
Matipunong pangangatawan.
Parang sa kanya, katangian yun ng isang anghel.
"My savior!!!" nasabi niya.
Mga matang nakatingin sa kanya.
Papalapit ito ng palapit sa mukha niya.
Hanggang sa tuluyan na siyang napapikit.
Alam na niya ang susunod na mangyayari.
Hahalikan siya ng Binata.

Pagpalakpak ang bumalik sa kanya sa katinuan.
Nakita niya ang sarili sa bisig ng matipunong binata.
Nakaliyad pa siya at sinasalo naman siya nito.
Sinulyapan niya ang anak.
Nagtatalon ito sa tuwa,
nasisiyahan ito sa posisyon nila ni Rafe.
Minabuti niyang bumawi ng balanse at tumayo ng ayos.
Nagaalala siyang baka may iba pang makakita sa kanila.
Pinakawalan na din siya ng mga bisig ng Binata.
At itinuon nito ang atensyon sa kanyang anak.
Inilagay niya ang atensyon sa suot na sapatos.
Nakunot ang noo niya ng makita na natanggal ang hills nito.
"Kapag minamalas nga naman!!!!" sa isip niya.
Nanlaki ang mata niya ng yumuko ang binata sa kanyang harapan.
Si Cinderella ang nasa isip niya.
Sa pagkakataon na yun, siya si Cinderella, at isang prinsepe ang binatang nasa harap niya.
hhhhaaiiissttt!!!, mahilig lang talaga siya sa fairytale.
Tiningnan nito ang suot niyang Sapatos.
"Take it off!!!" narinig niya mula dito.
Habang hawak ang isa niyang paa.
Mabilis niyang hinubad ang suot na sapatos.
Kinuha ito ng binata.
At sapilitang tinanggal ang takong nito.
Nagulat siya sa ginawa ng binata.
Walang salitang pinasuot sa kanya ang sapatos.

"bye mommy!!, bye daddy!!!" habang kumakaway mula sa malayo ang anak nila.
Hindi na nila namalayan na pumasok na ito ng school.
Walang ano ano ay sumakay na sa sasakyan ang binata.
"Lets go!!!, Hop in!!!"
Awtomatiko naman siyang sumakay sa Backseat.
Ang tema, Para siyang prinsesa na may sariling driver.
yung ang nasa isip niya.
kaya palihim itong nangingiti.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang mall.
Baka may kailangan kitain ang binata sa lugar na yun. laman ng isip niya.
Akmang bababa na sana siya ng pigilan siya ng binata.
"Wait!!"
May kung ano itong kinuha sa bulsa nito.
"Take this, bumili ka ng bago!!, yung babagay jan sa uniform mo!!!" habang hawak nito ang pera na nakalahad sa kanya.
"Dont worry, kakaltasin ko yan sa sweldo mo!!!, kaya tanggapin mo na!!"
Wala siyang choice kundi tanggapin iyon.
Ayaw niyang magalit pa ito sa kanya.
at saka, wala din siyang sapat na pera pambili ng kapalit ng nasira niyang sapatos.

(completed) The Royale InheritorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon