1 :

73 7 3
                                    

Masarap talaga pag meron kang kaibigan na di ka tatalikuran

Aminin man natin o hindi, hindi lahat ng tao may kaibigang tunay na matatawag

Kaibigan, madami tayo niyan pero yuong tatagal ng panghabang buhay, duda ako diyan

...

Angelica, pangalan ng pinaka matalik kong kaibigan. Siya ay anak ng kumare ng nanay ko.

Ang kanyang kaarawan ay May 5 samantalang sakin naman ay March 3

Alam na alam ko yoon sapagkat bata palang kami magkasama na talaga kami

Noong kami ay 5 yrs.old palang lagi kaming tinutukso

"JR crush mo si Angelica nuh!"

"Angelica may gusto kay JR yiieee"

Hanggang ngayong 25yrs.old na kami.

...

Lagi kaming sabay umuwi noon galing school kahit hindi kami nagiging magkaklase taon-taon.

Dahil iisa lang ang paaralan namin at magkalapit lang ang mga uuwian namin bakit pa kami hindi magsasabay

Tuwing uwian kwentuhan overload ang nagaganap habang naglalakad

Kadalasan naming napaguusapan ang mga bagay na tungkol sa mga nagugustuhan ko at mga nagugustuhan niya

"Kilala mo ba si Liza? Yung 2nd year highschool"

"Ahhh close ko yun kase member din sya ng music club sa school natin. Gusto mo hingiin ko number? Fishball lang kapalit solve na ako!"

"Ito talagang Angelica na to! Sobrang damot! Pero sige halagang bente lang ha!"

"Sige bukas ha! Dito na ako dadaan!"

...

Minsan naman napaguusapan namin ang aming mga ama na parehas yumao na

Ang tatay nya namatay dahil inatake sa puso sa isang sabungan noong baby pa sya

Ang tatay ko naman, nakakalungkot man, pero dahil nabangga ang sasakyan na dinadrive niya.

Kaya siguro sa pangyayaring iyon hindi ako pinagbibigyan ng nanay ko sa hiling kong motorsiklo

Medyo nakakalungkot pero ayos lang may tig-dalawa naman kaming nanay

Kase ang nanay ko nanay niya rin, at ang nanay niya nanay ko din

Pero kahit anong dami pa ng mga nanay namin

Pag nakakakita kami ng mga batang kasama ang mga ama nila di namin maiwasang maisip na sana may ama pa kami

...

Unang beses na nagbalak ako umakyat ng ligaw ay kasama ko siya

12 yrs.old kami noon

"Angelica siya yung babaeng kinukwento ko si Anne! Sakanya mo ako tutulungan ngayon. Ano gagawin ko? Uhm ano ba dapat? Pano ba da...."

"Kabado much JR? Bilhan mo ng lunch tapos sabayan mo sya"

Edi ginawa ko na nga! Pag-upo ko sa tapat niya bigla siyang tumayo

Maluha-luha ako noon. Pero si Angelica agad umupo sa harapan ko na parang robot ang pagkilos at pagsasalita "ako si JR, lunch pagkain pagkain pagkain pagkain... hahahah"

"Para kang ewan pinahiya na nga ako ni Anne eh!"

"Nakakahiya ka talaga HAHAHA muka kang robot na nasisira kanina! Hindi ka nga manlang humingi ng permisong tumabe!"

My Friend Is Not My FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon