A/N:
Slow update ang mangyayari dito sa kwento ko na 'to. Ipprioritize ko kasi ang 'An Arrow to the Heart' kaya sana basa-basahin niyo rin 'yon. Thanks in advance-Read with love~ 💙
Comments and other reactions are highly recommended.
Enjoy!¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"Lagi na lang! Ayoko na ng ganito! Lord tulungan mo naman ako oh! Baguhin mo please!" sabi ko habang naglulumpasay.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nagdadrama. Isa lang naman ito sa mga nakasanayan ko na. Isa sa mga buwan-buwan o taon-taon ko nang nagagawa.
Bumukas naman ang pinto ng kwarto ko at bumungad ang bunso kong kapatid na babae.
"Hoy ate! Ano ba yan! Ang ingay mo! Nag-aaral ako eh!" sabi ni Aly.
"Ehhhhh! Kasi naman!" sagot ko.
Inirapan na lang ako ng kapatid ko at umalis siya sabay dabog ng pinto. Tuloy pa rin naman ako sa paglulumpasay ng parang bata hanggang sa napagod ako.
Hay. Nakakapagod na pala ang ganito. It's been a while since I did something childish like this. Dati naman kahit buong araw pa, eh kaya ko naman. Pero un ung mga panahong bata pa ako haha.
Tinignan ko ang phone ko na nakapatong sa bed-side table katabi ng lamp ko. Kinuha ko ito at tinignan ang message na na-receive ko kanina pa.
"'Sorry. Friends lang talaga tingin ko sayo.'" pag-gaya ko sa na-receive kong text message.
Lagi na lang. Lord, bakit naman kasi ganito?
Pinatay ko ang phone ko at binalik sa bed-side table. Tumingin na lang ako sa ceiling at tumitig. Inaalala ko na lang ang mga nakaraang panahon.
Akala ko okay na. Akala ko meron na. 'Yun pala, akala ko lang.
Ako ang nag-confess kay Vince, ang top one crush ko since grade school. Pero may iba pa akong naging crush kasi playing safe ako ay Vince. Parang friend or more than that kasi ang kilos niya sakin.
First year college student na kami at syempre, kasama pa rin siya. Pero since grade school, may mga kaibigan kami na inaasar kami sa isa't isa. Ako naman 'tong tatanga-tanga, naniwala sa sinabing mutual kami. Eh wala eh, isa sa mga crush ko nga diba?
Simula nang maka-pasok kami sa parehas na university ay mas nagparamdam siya. And of course, I went along. Medyo landi dito, medyo landi diyan, basta nag-aaral pa rin. Hanggang sa hindi ko na kaya ang pag-iisip tungkol sa meron ba o wala, edi ayun, nag-confess na ako na gusto ko siya. At ang loko, tinawanan pa ako. Siguro akala niya nagbibiro ako, matapos ang mga taon na mag-kaibigan kami.
Sinabihan ko naman siya na hindi ako nagbibiro, syempre. At doon siya nag-ayos ng kaniyang sarili. Nung una, wala siyang masabi. Hindi ko alam kung ang katahimikan niya ay oo na sagot. Pero ilang minuto ng pagiging awkward namin sa isa't isa ay nag-salita din siya.
Sorry.
'Yan ang kaniyang sinabi bago ako nag-walk out. Nakakahiya naman kasi sa kaniya. Ilang taon akong umasa, at napunta lang sa wala. Pero leche, bakit kasi ako aasa sa taong hindi ko alam ang feelings sakin.
"LECHE KA TALAGA VINCE!" sigaw ko sa ceiling ng kwarto ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at nakatayo sa may pintuan ang mukhang galit kong kapatid na babae.
"ANO BA YAN ATE! KUNG TUNGKOL LANG SA LALAKI, SA LABAS MO GAWIN. HINDI 'YUNG NANG-IISTORBO KA NG ORAS NG PAG-AARAL!" sigaw niya.
Napa-upo naman ako sa ginawa niya. Hindi niya ata naintindihan na nagdadrama ako, sa sigaw pa lang. Sa susunod talaga, i-lolock ko na pinto ko. Hindi tulad nito, istorbo talaga sa pagdadrama ko.
"OO NA! ITO NA! SA ROOF TOP NA LANG AKO!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
Kinuha ko ang phone ko at tumayo bigla. God, nahilo naman ako sa biglaang pag-tayo.
Nang mawala ang hilo ko ay dere-deretso akong dumaan sa pintuan at naglakad papunta sa hagdan. Lumingon muna ako kay Aly at dinilaan siya. Childish na kung childish, basta may maiganti haha.
Tumakbo naman ako agad paakyat ng hagdan pagkatapos ng ginawa ko. Aba, baka hindi ko na makita ang sinag ng araw kinabukasan kung mag-sstay pa ako. Grabe rin yan si Aly manghampas. Gusto ko pang madagdagan ang mga kaibigan ko ah.
Nang makarating ako sa rooftop namin, huminga naman ako agad ng malalim. Napakatahimik ng lugar na to. Hiwa-hiwalay kasi ang bahay kaya hindi ka masyadong makakarinig ng ingay galing sa katabing-bahay.
Nakita ko naman ang isa ko pang kapatid na si Anton na may binabasa. May mga upuan naman kami at lamesa sa rooftop para kapag tulad ng ganitong panahon ay pwede kaming tumambay.
Napansin niya siguro na nasa rooftop din ako kaya naman binaba niya ang binabasa niya at tumingin sakin.
"Ice cream?" tanong niya.
Buti pa tong kapatid kong lalaki, maunawain. Eh ung isa grabe lang. Parang laging dinadalaw imbis na kada buwan lang.
"Ube please." sagot ko.
Tumayo naman siya at bumaba. Ang bait talaga ng kapatid ko na to huhu. Mas okay din ako sa lalaki in terms of friendship kaso ipinagkaita naman ako pagdating sa relationship. Wala pa ngang relationship na matatawag 'yun eh.
Tumingin na lang ako sa horizon. Palalim na ang araw. Napakaganda talaga ng view ng sunset. Iba't ibang kulay ang makikita mo habang tumatagal.
Bumalik na si Anton ng may dalang ice cream sa parehas niyang kamay. Inabot niya sakin ang isa at bumalik na siya sa pwesto niya kanina. Inilapag niya ang ice cream niya at kinuha ang librong binabasa.
Sumunod naman ako sa kaniya at pumwesto sa isa pang upuan. Inilapag ko ang cellphone na kanina ko pa hawak at kumain ng paborito kong ice cream, ang ube flavor.
Ilalaan ko muna itong nararamdaman ko sa pagkain. Masarap naman pati marami pa doon na pagkaing pwede kong ubusin.
Nilapag ko ang lalagyanan ng ice cream ko sa tabi ng phone at tumayo. Lumapit ako sa railing ng rooftop namin at tumingin sa malayo.
"LANGYA KA VINCE! AKALA KO IKAW NA! ISA KA LANG RIN PALA SA KANILA!" sigaw ko, "'DI BALE NA, MAHAHANAP DIN KITA KUNG SINO KA MAN!"
Lord. Ayan na. Sinabi ko na ng maayos, at sana naman ay may gawin kayo ng maayos.
Nakarinig naman ako ng malalakas na pag-apak ng kapatid kong babae.
Shet-- Ayan na siya. Galit nanaman.
Dali-dali akong bumalik sa upuan at nag-cellphone. Leche pa nga nung binuksan ko, nasa message pa rin nga pala. Binura ko na lang agad at nag-laro.
"ATE ALEXA!!!" sigaw ni Aly.
Lumingon ako kay Aly ng parang wala lang. Sinamaan niya ako ng tingin. 'Yung tipong magdidikit na ang hiwalay niyang mga kilay.
Hindi na talaga siya magbabago. Pero okay na rin 'to, kaysa naman lumala pa.
Ay-- Oo nga pala. Bago pa ako mabugbog ng kapatid ko, magpapakilala na ako. Ako si Alexa Ocampo, panganay na anak. First year college student taking up Architecture. At ito ang magiging storya ko tungkol sa paghahanap kay 'special person', plus other life shit.
Guide me na lang Lord. I'll be looking forward to it. Just, please, isang hulog ng langit na lang.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
tbc. ('170204)

BINABASA MO ANG
Say You Love Me
Teen FictionLanguage: English and Filipino - - - - - It has always been a Filipino tradition to let the guys court the girls. But there's this one girl who changed her destiny of waiting for someone who might not come. Read more of this girl's story and her jou...