A/N:
Hey- Thanks for viewing this story kahit late na late ang update. It's been a while since I last updated haha. Pero every other Friday, expect to have a chapter from this story. :)Read with love~ 💙
Comments and other reactions are highly recommended.
Enjoy!¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
"Ate! Bangon na! Maaga ka ngayon!" sigaw ni Aly sakin kahit malapit lang naman siya.
Yinuyugyog niya ako ngayon ng paulit-ulit. God, nakakairita 'tong babaeng 'to, ang aga-aga eh.
"Teka! Eto na babangon na!"
Tinataboy ko naman ang mga kamay niya habang unti-unti kong minumulat ang mga antok ko pang mata.
"'Wag ka na kasing bumalik sa pagtulog! Naiistorbo ako ng alarm mo eh, lecheeeee." sabi ni Aly.
Nasa may pinto na siya ng kwarto ko nang mawala ang antok ko. Nakita naman niya na mulat na mulat na ako kaya naman sinara na niya ang pinto.
"Leche naman eh, kung maka-sigaw parang wala ipapang bukas." sabi ko sa sarili ko.
"Naririnig pa rin kita dito!" sigaw ni Aly galing sa labas ng kwarto ko.
Ay- shet haha. Malakas nga pala ang pangdinig ng babaeng 'yon.
"SABI KO NGA GISING NA AKO." pang-out of topic na sigaw ko sa kaniya.
Grabe. Umagang-umaga, ang ingay naming dalawa ni Aly. Ritual na namin 'to sa umaga para magising ako. Nakakahiyang isipin para sa mga kapitbahay namin na araw-araw may sigawan dito samin.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tinignan ang phone ko. Sinilip ko ang top right corner ng screen para sa time. 5:00 am na rin pala, sana sakto lang alarm ko ngayong araw. Lunes pa naman ngayon, matindi ang rush hour at traffic.
Ngayong hawak ko na ulit ang phone ko ay bigla kong naalala ang text message na na-receive ko galing kay Vince.
"'Sorry. Friends lang talaga tingin ko sayo.'" sabi ko sa sarili ko habang inaalala ito.
Sa totoo lang, kahit matagal na kaming magkakilala eh parang hindi ganoon ka lala ang pagkagusto ko. I mean, hindi naman ako naiyak sa sinabi niya last month or sa text message na sinend niya last week. Just probably really disappointed kasi ganon ang kinalabasan. Pero syempre parang nakakaramdam din ako ng inis o ng galit dahil sa kaniya. Sayang ang mga taong napunta sa kaniya ang atensiyon ko huhu.
Hindi ko na lang maintindihan kung bakit hindi ko kayang harapin siya ngayon. Siguro dahil sa nakakahiya ang ginawa ko? Lalo na at babae ako, as they would say.
Luckily, magkaiba kami ng course na tinake. Architecture ako habang siya ay MassComm. Parehas man kaming first year college student sa iisang college ay magkaiba pa rin ang buildings namin. Kaya for the past month, hindi ko pa siya nakikita kahit ang anino niya.
Tumayo na ako at dumeretso muna sa dining room. Ganitong oras kasi si Anton na ang gumagamit ng banyo. Sa aming tatlo, siya ang matiyagang bumabangon ng maaga araw-araw.
Dumeretso ako sa kung saan ang mga nahugasang plato at utensils para makakuha ng para sa'kin. Lumaki kaming sariling kuha ng mga gamit, hindi ung aasa kami sa iba. Nang mailapag ko na ang dala ko ay umupo na ako sa upuan na nakatapat kay Aly.
Nagrereview pa rin siya ngayon para sa exam nila bukas. Biruin mo, masipag talaga yan si Aly pero parang most of the time siyang mapait ang timpla ng mood. Siguro un ang katumbas ng pagiging masipag sa pagaaral, ang pagiging medyo mataray na ewan ko ba.

BINABASA MO ANG
Say You Love Me
Teen FictionLanguage: English and Filipino - - - - - It has always been a Filipino tradition to let the guys court the girls. But there's this one girl who changed her destiny of waiting for someone who might not come. Read more of this girl's story and her jou...