TEOY #01
"Iris, my beautiful daughter, age gap does not matter whether you are younger than or older than the one you love but as long as you are both happy with each other nothing matters. Look, I met your father when I was 18 and he was 24, that's quite an age gap right? But look at us now, we are both happy and contended."
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi sa akin ni Mami. Sa totoo lang idol na idol ko talaga ang kwento ng pagmamahalan nila ni Paps. Hindi kasi kapanipaniwala na sa huli sila pa rin ang magkakatuluyan kahit na medyo malaki ang age gap nilang dalawa.
Pangarap ko nga na makahanap ng ganyan lalake pero hindi pumasok sa isipan ko na magagaya ako katulad nila. Ibang iba kasi kung sa tutuusin bilang lang ang mga pamilya dito sa Pilipinas na okay lang ang mga ganyan. Sa bagay, bata pa lamang ako nuon kaya parang walang wala sa akin ang mga ganito pero nasa tamang edad na ako ngayon kaya hindi ko masisiguro kung ano ang mangyayari sa aking buhay.
"Miss Waitress!"
I looked back to see who is the customer calling to and eventually found out that he was pertaining to me. Bilang isang waitress, awtomatikong gumalaw ang aking katawan papunta sa kanya.
"Good afternoon Sir! I'm Iris and what can I do for you?" saad ko sabay labas ng business smile.
"Umm... ano ba ang best-selling niyo ng kape dito?"
"Best-selling na kape? Kung sa aking palagay, masasabi ko na best-selling po ang aming Caramelo. Masarap din po ang aming macaroons! I assure you po." sabay ngiti na animo nasa isang komersiyal.
"Sige. Dalawang Caramelo at dalawang macaroons. At kung pwede saka niyo nalang i-serve sa akin kung nandito na ang kasama ko. Tatawagan ko nalan bc kayo. Okay lang ba?"
"No problem po, Sir."
"Maraming salamat."
"Glad to serve you Sir."
Nang makuha ko na ang kanyang order ay agad kong ibinigay sa cashier ang slip. Matagal tagal na rin nung kakasimula ko pa lang dito sa Café Messi upang magtrabaho. Hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap sadyang may kaya lang talaga ang pamilya namin pero nagtatrabaho ako. I am not the type of daughter who is always relying towards their parents. I prefer to rely on myself which is a good thing because there are lots of advantages. Maayos naman ang sweldo dito kaya napamahal na ako sa café na ito.
YOU ARE READING
The Epitome Of You
Romance"Iris, trust me, you are the perfect example of being yourself." That is the last thing that I want to hear in this world. Little did I know, realization hit me faster than I expected. S O O N