Chapter 1:Beginning
Ayessa's POV
"Hindi kita mahal." Tatlong salita na nagpagunaw ng mundo ko. Tatlong salita na sobrang lakas ng epekto sa akin.
"Stop joking, hindi yon nakakatuwa." Sabi ko at pinilit kong tumawa. Nagulat ako ng bigla niyang hinampas ang lamesang nasa harapan namin. Mabuti na lang at wala masyadong tao dito sa cafe.
"Ano ba! Hindi nga sabi kita mahal! Siya! Siya pa rin ang mahal ko." Biglang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"B-bumalik lang ulit siya.. Siya na ulit ang mahal mo.. Diba iniwan ka nga niya? Iniwan ka niya ng walang pasabi diba? Mahal mo pa rin siya?." Humihikbing sabi ko. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon siya pa rin.
"Oo, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal ko." With that, something hit me.
Tinignan ko siya sa mata. Huminga muna akong malalim bago muling magsalita.
"A-ako, ano ba ako sayo? Minahal mo ba ako?." Pigil hininga akong naghihintay sa sagot niya. Ayoko mang marinig ang sagot niya dahil masakit pero kailangan. Para sa sarili ko man lang.
Yumuko siya at bumuntong hininga. Parang ayoko ng marinig ang sagot niya. Mukhang alam ko na.
Mariin akong napapikit, kasabay non ang mga luhang walang tigil sa pagbagsak. Ayaw nilang tumigil sa pagbagsak.
"M-mahal kita. P-pero---" bago niya pa matuloy ang sasabihin niya pinutol ko na.
"Pero mahal mo ako bilang kaibigan. Pero mas mahal mo siya." Napangiti ako ng pilit. "Alam ko na yun, s-salamat dahil kahit papaano minahal mo ako. Bilang kaibigan nga lang." Napatawa ako ng lumuluha.
Mukha na akong tanga.
Di lang pala mukha.
Tanga na talaga.Tinignan ko siya sa mata. At nakikita ko ang isang pares ng mata na naaawa, pares ng mata na nagiguilty.
Tumayo na ako at handa na akong umalis ng bigla siyang magsalita.
"I-i'm sorry yessa, i didn't mean to--"pinutol ko ulit ang sasabihin niya.
"Hindi mo na kailangang mag sorry. Kasalanan ko naman e. I held unto something that isn't real. And yeah this love is so real, And it hurts like hell. Thank you for everything. Thank you for teaching me a lesson." And with that tumakbo na ako. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko siya nilingon.
Kung lilingon ako, walang magbabago. Hindi niya ako mahal. At kailanman hindi niya ako mamahalin dahil nakatatak na siya sa puso niya.
"YESSA!"
Napabalik ako sa reyalidad ng may apat na babaeng sabay na sumigaw sa harapan ko.
Ang iingay -_-
"Hmm?" Tanging sabi ko sa kanila. Ang dalawa sakanila ay nakakakunot ang mga noo. Habang ang isa ay nakapoker face. Yung isa naman, tutok sa cellphone.
May lovelife e.
"Nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito di ka naman pala nakikinig. Hmp." Ani ni Hera na naka pout. Ts mas cute kaya ako. T_T
Siya Si Alexandria Hera Rodriguez
Ang sporty sa amin, so attractive, medyo boyish, maitim-- este compare sa amin siya ang may darker skin. Kainggit nga yung abs niya. T_T
"Ano nanaman bang iniisip mo at lumilipad ata ang isip mo?" Sabi naman ni shy at muling sumubo ng burger. Pangatlo na nya yan. Takaw
Siya naman si Princess Shaira Alvarez.
Ang pinakamatakaw samin. Pero ang payat naman. Maganda yan, lagi nga siyang pinanglalaban sa mga pageant nung high school kami e, lagi rin naman nanalo.
"Wala naman, iniisip ko kasi kung kelan tatangkad si ate Ten" pangangasar ko Kay ate ten. Na dahan dahang lumingon sa akin na naka simangot.
"Yah! Ako nanaman nakita mo yessa!" Sabi niya na ikinatawa namin.
Siya si Madison Kirsten Sy.
Ang pinakamakulit at parang bata -,-. Maganda naman siya kapos nga lang sa height. Siya ang pinaka matanda samin. Siya magna-19 na sila shy, Hera at ice ay 18. Ako ang pinakabata 17.
"Pasalamat ka nga, nakita ka pa niya e." Cold na sabi ni ate Ice.
Siya si Eunice Leeyah Perez.
Siya naman si Ate Ice ang pangalawa sa pinakamatanda. Siya ang pinakacold samin. Hindi siya ngumiti. Bihira lang, kapag kasama niya lang kami. Hindi siya friendly. Hindi siya masyadong nakikipagsocialize sa iba, kuntento na raw siya samin e. Nuksss....
"Yah, dapat magkakampi tayo! Parehas lang tayong maliit noh!" Sabi niya na parang bata.
"Duh, mas matangkad ako sayo ng 1 3/4" sabi niya at umirap. Yung dalawang baliw naman, ayun tawa ng tawa.
"Ts, grabe kayo sa akin ha, kapag ako talaga tumangkad--" pinutol siya agad ni ate Ice.
"Kung tatangkad ka pa." Cool na sabi ni ate Ice. Habang si ate Ten naman ay nagdadabog na parang bata. Isip bata talaga. :D
"EWAN KO SA INYO!" Sabi niya at tumutok na siya sa cellphone niya at biglang ngumiti. Nababaliw na.
"Ey, ate ten kelan mo ba papakilala samin yang boyfriend mo? Sinagot mo na't lahat lahat di mo pa rin sinasagot." Sabi ni Hera at akmang kukuha ng fries, ng dinampot naman lahat ni Shy. PG talaga to
"Hmm? Bukas? Nagkikita kami bukas, kasama niya mga kabarkada niya. Game kayo?" Sabi niya. Nagkatinginan naman kaming 4.
"GAME!"
~~~~~~
HALO! HAPPY VALENTINES DAY GUYS. TUMATANGGAP PO AKO NG REGALO :D
Sorry for the Long wait. Please support this story. Kamsahamida.
YOU ARE READING
Maybe It's You?
RandomDon't rush love. It always takes time to find the one. The right one.