Chapter 2: Match
Hera's POV
"Congratulations Hera, panalo ka nanaman pa burger ka naman." Kantyaw sa akin ng kasama ko sa swimming team.
Nasa Blitz University ako ngayon, pag mamay ari ito ni ate Ice. Dito kaming Lima nag aaral. 3rd year college na kaming lahat.
So, nandito nga ako ngayon sa BU. Nagtraining lang tas dumating si Super Cyan este Cyan lang pala. Naghamon, natalo.
"Argh! Nakatsamba ka lang Rodriguez!" Inis na sabi niya sa akin at inirapan pa ako. Kasalanan ko pa bang natalo ko siya?
"Hey! Why don't you just accept na natalo ka ni Hera? Di matanggap te?" Sabi ng is a sa mga kateamates ko, well nanood sila.
"Arggghh! I'll get my victory soon! Sabi niya at nag walk out with her mighty alipores.
Fake
"Hayaan mo siya Hera, may sayad lang talaga yan." Ivan said and chuckle. Ivan, one of my team mates in swimming team. At manliligaw din. 1 year I guess
Matibay e.
"Hmm yeah hinahayaan ko na lang, siya lang naman ang nag iisip na may competition between us." Cyan is also part of the swimming team. But She always treats me as her Rival. Gusto niya laging nasa top, Hindi ko intensyon ang agawin sa kanya ang pagiging top, ikakaganda ko pa ba yun? Sabagay maganda na kasi ako e.
"Hey.... Ahmm hera... May gagawin ka ba bukas?" Napabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Ivan. Alam ko na'to. Yayain ako nitong makipagdate. Ts..
"Hmm.. Wala naman siguro? Bakit?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. Malay ko naman iba ang isasagot niya diba?
"Ahm... Pwede ba tayong mag date bukas?" Sabi niya at kumamot pa sa batok niya. Napabuntonghininga ako.
Kelan niya ba ako titigilan?
"Ivan...." Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay pinutol na niya ito.
"Alam ko. Wala akong pag-asa sayo. Tanggap ko na. Pero Sana kahit ngayon lang. Mapagbigyan mo ako. Date. I mean friendly date." At saka ngumiti. Napangiti rin ako sa kanya. At least tinanggap na niya na wala talaga siyang pag-asa.
YOU ARE READING
Maybe It's You?
RandomDon't rush love. It always takes time to find the one. The right one.