3

5 0 0
                                    

"Grabe ang laki na talaga ng tiyan ko!"  Reklamo ko kay Nikko habang nakaharap sa salamin.

Nagsusukat ako ng damit para mamaya eh. Wala na kasi akong masuot pano naman palaki nako ng palaki. Nakaka-depress na nga minsan!

" Maganda ka pa din naman." Pambobola naman ng napakabait kong boyfriend. Lagi nyang sinasabi na kahit anong mangyari, ako pa din ang pinakamaganda. Na hindi bagay sakin kapag masyadong payat. Na ako pa din ang pinakasexy sa lahat. Alam naman nating hindi. Alam ko namang pinapalakas lang niya loob ko.

" Baby naman. Wag mo na kasi ko bilan masyado ng foods ha. Baka mas malaki pa ko sa balyena pag nagkataon!"  Patuloy na reklamo ko kay Nikko. Pano naman apura kain naming dalawa. Depende kung saan kami dinadala ng katakawan namin.

Kaladkarin naman kasi ko basta pagkain!

" Ayoko sa payat,mahal. Tama lang yung ganyan. Di ka naman mataba eh." Ano pa nga ba? Dugtong na pambobola niya.

Bilog na bilog nako binobola pa ko! Tsk. Talaga naman.

Nagbibihis ako sa harap niya tapos sya naman nakatitig lang sakin. Halos pitong taon na nya ko nakikita magbihis pero pagtinitignan nya ko para pa din syang nakakakita ng Dyosa.

No kidding! Para talaga syang nakakita ng Dyosa. I swear. Maiintindihan ko naman kung maganda talaga ko saka sexy na parang artista pero hindi naman. I'm super flawed. Ang laki ng hita ko. Isama mo pa yung braso ko. Tapos hindi pa ko sexy. Hindi naman din ako ganun kaganda.

Tingin ko naman magsasawa din talaga siya sakin. I mean hindi naman kasi ako perfect. Madalas may toyo ako. As in yung mga maliliit na bagay kinakainisan ko. Ang selosa ko pa!

Naiisip ko talaga parang wala ako yung mga traits na makakapagpa-stay sa isang lalaki. Hindi ako maganda. Wala akong katangian na magugustuhan nila. Walang special sakin. Sobrang plain ko and boring.

Kahit na ganun, gusto pa din ako makita ni Nikko araw-araw. Which is absurd kasi sa itsura kong 'to gusto nya pako makita araw-araw? Haha. Pero seryoso, lumipat ako ng bahay.

Dun na din ako sa tita nya. Dun din sya tumutuloy so magkasama kami sa bahay.

10pm to 7am ang pasok ko while 3:30 pm to 11:30 pm naman ang pasok niya. So magkikita pa kami ng mga 9am hanggang 1pm. Magkaiba kasi off namin so yun na yung pinaka-oras na magkikita kami. Kaya eto, gumawa kami ng paraan para magkita everyday.

Hindi ko sinabi samin yung set-up namin kasi gusto ng side ko na magpakasal muna kami. Syempre babae ako kaya ganun gusto nila.

Mommy ko nga kung makapilit na magpakasal nako. Pano gusto na ng apo. Ang bata ko pa kaya. 21 lang ako. Mag-22 palang.

Kinagabihan dumiretso na ko sa office kasi last day na ng pasok. I thank you Lord for Fridays.

Day off na bukas so uuwi na ko ng Bulacan diretso. Umuuwi ako twing day-off.

Tiga-Bulacan kasi kami ni Nikko. Dun din kami nagkakilala. We just decided to work here in Manila. Mas marami kasing opportunities dito eh.

"Sabay ako sainyo ni ate Fe mamaya ah."  Sabi ko kay Jansen during last break. Uuwi kasi sya ng Pampanga today.

"Wala si ate Fe. Naka-halfday yun." Sagot naman niya sabay kagat sa sandwich niya.

Oo nga pala. Nawala sa isip ko. Di ko sya napansin kaninang umalis kasi natulog ako ng lunch.

" Sige basta pasabay ako ha. Uuwi akong Bulacan eh. Mag-mrt ka ba?" Tanong ko ulit kasi kapag ako umuuwi nagbu-bus lang ako. Ang hirap kasi kapag mrt. Sa Baliwag Transit ako sasakay, eh yung Mrt Cubao station dun pa sa may Malapit sa farmers.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Million ReasonsWhere stories live. Discover now