The Best Tropa Ever

25 2 0
                                    

[Kyle's POV]

//cue MMK song

The best tropa ever...

Iyan ang tropa ko...

Sa kalokohan, suntukan...


Teka.. Mali ata yung nailagay kong "background" music..

Ehem..



//cue eraserheads- Maling Akala

"The best tropa ever" Yan ang tropa ko. Sa kalokohan, suntukan, kahirapan, kasiyahan at kalungkutan, sila ang kasama ko..

Isang playboy, hugotero, genius, palaging basted at isang boy next door...

We're a very odd group pero we are compatible.

Masaya kami, at kahit magulo, we love each other...

Alam niyo kung bakit?


Well.. Wala lang..


Ah basta.


It's a tropa thing...


Bago tayo magpatuloy, pakilala ko muna ang tropa..


Una ay si Kloyd, ang pinakamatindi sa chicks samin lima...

Habulin ng babae at bakla, at siguro ang nanghahabol ng bakla.. Pero, huwag kang mabiro.. Under yan sa girlfriend niya..

Pangalawa ay si Fritz, pag may problema kami, umaasa kami sa mga hugot niya. Kahit na corny at nonsense, we still trust him.

Si Alvern...

Naka-graduate kami ng highschool nang dahil sa kanya...

Of course siya ang pinakamatalino sa grupo coming up with ideas sa oras na mabigyan siya ng topic. Nakaka nosebleed nga eh.

Kasama rin ang bestfriend kong si Ryan, mula pagkabata, siya na bestfriend ko dahil malapit ang bahay nila sa amin.. Yung mala across the street lang...

Siya ang nagbibigay ng best advices sa tropa ukol sa pag-ibig... Yun nga lang, palagi siyang basted..

At siyempre magpapahuli ba naman ako?

Kyle's the name, ang tinaguriang boy next door, simple lang, at ako lang ata ang normal sa amin at syempre...

Ako ang pinakagwapo sa amin lima.


Known kami sa batch namin dahil sa mga kalokohang ginagawa namin during our days in highschool...

Kagaya nung time na nag-cutting classes kami at nahuli ng school guard na pinadala sa counselors office..

Sama mo na rin ang time na nag.squat kaming lima sa labas ng classroom dahil late kami..

All the good times that are actually pretty bad..

Don't worry, bawi naman sa grades.. Syempre nasa amin si Alvern.. Hahaha

Probably the most memorable time ay yung una kaming nagkakilala...

Una naming nasama si Kloyd, approachable ang taong yun.. Ukol kasi sa babae ang topic namin ni Ryan nang biglang sumabit na ito sa usapan.. Napagtangkahan nga namin itong bakla dahil sa ibang lalaki na may gusto sa kanya.. Natural lang talagang magnet ng pag-ibig yun.. Yung para bang biniyayaan ni kupido..

After that, si Fritz ang sumunod, he's a hopeless romantic at nakilala namin siya dahil sa kaniyang mga dakilang hugot kahit wala pang experience.. Siya rin ang aming ginagawang defense sa mga kumakalaban sa amin.. May build eh.. We owe him one for saving the three of us sa naging mortal naming kaaway na si Aris.. Ah basta, long story short ay di nagtagal at naging parte na siya ng tropa..

Ang panghuli at pinakamahirap isama sa tropa ay si Alvern.. Tandang-tanda pa nga namin kung gaano siya ka bookworm at mahilig mag study.. Nagbabasa nga iyon ng encyclopedia during his spare time na inalaan siyang "walking encyclopedia" ng classroom.. He's not good with crowds.. At first, nung isa-isa namin siyang kinausap ay itinulak niya mga mukha namin papalayo.. Rude but nakakatawa alalahanin.. We only managed to make him one of us nang naapektohan kami sa weirdness nito at sa hindi inaakalang mga jokes na nakakatawa talaga..

Simula non, nabuo na ang tinaguriang tropa namin..

Memories like those are the main reason why we don't want to graduate highschool kahit na hirap na hirap kami sa pag-aaral..

Nothing really changed after grumaduate kami ng highschool...

We are still the craziest bunch na palaging up to something no good but fun as hell...

May slight lang na pagka-mature..

For our entire college life ay mahina ang communication namin.. Just group calls and chat kapag free kaming lahat but still, the tropa is intact hanggang sa grumaduate kami with degree.

While I'm scrolling my newsfeed biglang nag.notify ito ng post mula sa group namin na ginawa nung 4th year high kami..

|Ms. E-President Jae posted on
|ACE sy. 20**-20**

|Mr. A-President Orlly posted on
|ACE sy. 20**-20**

|Ms. C-President Lerry posted on
|ACE sy. 20**-20**

Curious of the series of notifications, agad ko itong binuksan to see the batch's 3 presidents talking about our upcoming batch homecoming...

It seems like everyone is hyped at excited para magkita-kita ulit at magkwentuhan with the batchmates...

"Seen by Karylle, Saira, Haney.... Kloyd, Alvern, Fritz, Ryan.." I read to myself..

Now that I think of it, this is a perfect time to make the comeback of the magt-tropa...

Dali-dali kong inopen ang messenger group chat namin at nag video call and not 10 seconds later ay sinagot na ito ng apat..

"Guess who's gonna have their comeback sa reunion!" Sabi ko at nagtawanan na kami..

"Ok.. Here's the plan..." I started...

It's a Tropa Thing (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon