Note:
Punong-puno ng Grammatical errors and typograpical errors. Tamad ako sa pag eedit kaya hayaan niyo na. Kung maarte , h'wag mo nang balaking basahin.Ang Goal ng istoryang ito ay pasakitin ang inyong mga panga sa kakatawa, ang mga mata sa kaka iyak, ang mga dibdib sa kirot ng puso, at ang isip sa pagkamangha .
May pagka dugyot at SPG ito, kaya kung maarte ka. Huwag mo nang ituloy ang pagbabasa. Tsupe kana.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mahirap mawalan ng pamilya, mahirap mawalay sa piling nila, mahirap mag-isa sa buhay, tanging kepyas ko lang ang kakampi ko este tanging sarili ko lang ang kakampi ko. Sa mundong ito, walang permanente, lahat may hangganan pero yung kabobohan ni Freda, walang hangganan, sagad na sagad, ugh. Habang nakasakay kami ng bus papuntang Maynila. Napaisip ako, ano kayang hinaharap ang naghihintay sa amin don, siguro maganda kase malaki ang hinaharap ko, ugh ang ganda ko talaga. Naputol ang pagmumuni-muni ko ng bigla kong naamoy ang mabahong hininga ni Freda.
"Hala Ela, tignan mo yun! Ang laki, ang tataas ng bahay. Parang ang sarap tumalon" habang nakadungaw sa bintana at nagtuturo- turo sa mga naglalakihang gusali habang nangungulangot sabay pahid sa bintana, nyetang baklang to ang dugyot. Nakiki pagsiksikan pa sa akin, eh ang lawak-lawak naman ng espasyo niya. Hindi ko alam dito kung saan niya namana yung kabobohan at kadugyutan niya, hindi naman ganyan ang mga magulang niya. Ewan ko kung may sayad ba siya o wala. Ewan ko din dito kung bakit siya sumama eh. Wala daw basagan ng trip, at wala daw siyang pake kung mahanap ko mga magulang ko, grabe ang laki ng tulong niya, pasakit 'tong baklang dugyot nato.
Hindi ko maatim na katabi siya, hindi kaya siya naliligo at nagsisipilyo, yung panty niya noong nakaraang buwan pa. Oo, nagpapanty tong assumerang dugyutin na baklang 'to. Ano kayang amoy ng bayag niya? Hihihi.
"Itikom mo yang bibig mo kita yung maitim mong gilagid at amoy yung kinain mong tae kanina kung hindi ihuhulog kita dito" inis kong sabi kay Freda. Freda ang gusto niyang itawag sakanya, ayaw daw niyang tawaging Alfredo, ang bantot daw, ang ganda 'raw' niya tapos pipitsugin lang ang pangalan niya. Gulat ako dun, hindi dahil pangit siya, alam ko na yun, kundi dahil sinabi niyang maganda siya. Grabe tong baklang 'to ang sama ng sinasabi ng bunganga niyang nakakain ng tae, buhusan ko kaya ng holy water at alcohol para naman bumango kahit isang araw lang ang bunganga niya. Umaalingasaw kasi ang amoy, buti nalang nakapag titiis ako dito eh.
Biglang tumahimik tong kasama ko ngayon, hindi ko alam kung bakit, tumatahimik lang naman ito kapag nakakita ng gwapo o hindi naman bayag, charot. Tinignan ko ang pangit niyang mukha habang nakatitig sa lalaking mukhang addict papunta sa amin, siguro kahalayan na naman ang iniisip nito. Lumapit yung lalaking mukhang addict samin, dahil nasa tabi ako ng bintana at si Freda naman malapit lang sakanya at titig na titig habang kinikilig pa ang lola niyo sa mukhang addict na lalaking 'to. Sungalngalin ko kaya tong baklang to para matauhan.
"Mwedeng mange upo?" Ay, hindi lang pala mukhang addict at ngo-ngo din, charot. Sasabihin ko sanang wala na kase pang dalawan lang talaga tong upuan nato kaso biglang sumabat tong baklang to.
"Ay, ee nemen pogi. Beste dete ke leng se tebe ke, hihihi." Shutang inerns tong baklang 'to ang landi. Pinausog pa niya ako ng konti, eh wala naman na akong espasyo. Ipit na ipit ako, so anong itsura ko ngayon? Mygad, susungal-ngalin ko talaga tong baklang to ng tubo. Hindi ba niya alam hirap na hirap na akong kakausog dito habang siya kinikilig-kilig. Tumingin nalang ako sa bintana habang ng nag-iisip-isip, yung bakla ayun, nagho-hokage move na. Pinabayaan ko nalang siyang maglandi.
Ano kayang mangyayari sa amin pagkadating namin sa maynila? Madami kayang mangyayaring maganda? Siguro madaming kamalasan ang mangyayari samin kasi kasama ko tong Fredang ito. Hay nako, naalala ko na naman yung mga sinabi ng walang ngipin at panot kong tatay kanina.
BINABASA MO ANG
Ang Paglalakbay Ni Ela: Ang Laiterang Lakwatchera
HumorAng Goal ng istoryang ito ay pasakitin ang inyong mga panga sa kakatawa, ang mga mata sa kaka iyak, ang mga dibdib sa kirot ng puso, at ang isip sa pagkamangha . May pagka dugyot at SPG ito, kaya kung maarte ka. Huwag mo nang ituloy ang pagbabasa. T...