CHAPTER 2

5 0 0
                                    

   Paggising ko,para akong nabigyan ng isa pang buhay,parang lahat ng bagay na nasa paligid ko nagbago.Saglit akong napatingin sa kisame.

"Nak,breakfast is ready."sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko,kaya bumangon na ako para di masermonan.

    Pagbukas ko ng pinto,nakita ako agad si mama kaya binati ko siya tsaka ko hinagkan sa pisngi.

"How's your sleep?"tanong niya sakin At sabay kaming naglakad pagpuntang kusina.

"ok lang."tipid na sagot ko.

"May problema ba?"ulit na tanong niya,Patuloy parin ako sa paglalakad,di ko pa rin siya nililingon.Napansin niya,sigurong nakasimangot ako.

"Ma,kilala mo naman si Kevin hindi po ba?"tanong ko.this time,tinignan ko na si mama.
"He broke up with me ma."pagkasabi ko,bahagya akong yumuko,para di makita ni mama ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa aking pisngi

"Shhh...everything will be alright."saad ni mama saka niya,hinaplos ang aking buhok.

             Pagkarating namin sa kusina,pinaupo niya ako,siya na mismo ang naghanda sa aking almusal.

      Ibinigay niya sakin ang aking makakain tsaka siya umupo sa aking harap.Pinanuod niya akong kumain.Napatigil lang siya  sa panonood sakin nang tumunog ang aming doorbell.

       Agad na pumunta si mama sa labas,pagpasok niya ngumiti siya sabay sabing,

"Nak may nag-aantay sayo sa labas."sabi niya,ako naman lumabas din para tignan kung sinong abnormal na tao ang maghihintay sakin sa labas.Nagulat ako nung makita ko siya sa labas ng gate namin.It's Christian jay! Damn that guy!.Tumakbo ako sa loob ng bahay namin at nagtungo sa Cr para makaligo na ako.Ano ba kasing ginagawa niya rito? At paano niya nalaman ang bahay namin?

        Pagkatapos kong maligo,dumiretso na ako sa kwarto ko at dali-daling nagbihis.

"Ma,mauna na ako."paalam ko kay mama,habang nagmamadali akong naglakad palabas ng bahay.

     Halos madapa na ako sa kamamadali,inopen ko ang gate saka ko siya nilapitan.

"Anong ginagawa mo dito?!"iritang tanong ko sa kanya.

"Wait."sagot niya,saka siya naghalungkat sa bag niya,inabot niya sakin ang suklay.aanhin ko to?

"Magsuklay ka muna."sabi niya.kinuha ko na lang ito para tumigil na siya."let's go."saad niya sabay hawak sa kamay ko at ipinagbuksan niya ako ng sasakyan.Buong byahe kumanta siya,maganda ang boses niya ngunit naririndi ako.

       Pagkababa ko sa kotse pinagtitinginan kami ng mga estudyante,paano ba naman kasi,kasama ko lang naman yung sikat na varsity player.

"Pwede bang layuan mo ako Christian!"saad ko sa kanya saka ko siya inirapan.

"Why? Ikinahihiya mo ako?"tanong niya.

"Pinagtitinginan tayo oh."sabay turo sa mga estudyantanteng nakatingin sa amin.

"Masanay ka na,kasi simula ngayon,palagi mo na akong kasama."then he winked at me at inakbayan niya ako,Agad ko naman itong tinanggal.

"Una na ako,late na ako eh,see you."kumaway siya sakin bago siya tumakbo palayo.Bakit niya pa kasi ako sinundo?

    Kumaripas narin ako ng takbo papunta sa akingunang klase ngayong araw.

    Tumigil ako sa pintuan,agad naman akong nakita ng aming profesor.

"You are late."salubong na sermon sakin ni Maam.

"Sorry maam." paghingi ki ng paumanhin at saka ako yumuko.

Moving-onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon