CHAPTER 3

4 1 0
                                    

"Heaven."tawag ng isang lalake mula sa aking likod.

       Nilingon ko siya at tama ako,si christian jay ang tumawag sakin.Nasa park ako ngayon,dito ako hinatid ng aking paa.

    Umupo siya sa bakanteng space sa  aking tabi,bahagya kong pinunasan ang aking pisngi.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na."tanong niya sakin.

"Hindi mo ba narecieve ang message ko sayo?"balik tanong ko sakanya.

"Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay eh."sagot niya.

"Okay."tipid na sagot ko.Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Christian jay."tawag ko sa kanya.Tinignan ko siya saglit,atsaka ibinalik ang aking mga mata sa kawalan.

"Hindi mo naman ako kailangang tawagin sa buo kong pangalan eh."litanya niya."Cj na lang itawag mo sakin."pagpapatuloy niya sa sinabi niya.

"chris--- i mean cj..."tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm."sagot niya.

"Mahirap ba akong mahalin?"Sa pagkakataong ito,tinitigan ko na siya.

"Hindi ka mahirap mahalin,Heaven,tanga lang siya  kasi pinakawalan ka niya."sagot niya,seryosong seryoso ang kanyang mukhang nakatingin sa Malayo.

"Nahihirapan na ako."sambit ko saka ako umiyak.Ang hirap lang kasing tanggapin na bakit ginawa ko naman ang lahat nagawa niya parin akong lokohin.

     Naramdaman kong niyakap niya ako.Niyakap ko na rin siya pabalik,wala na akong ibang alam kundi ang umiyak ng umiyak.

"Diba sabi ko sayo nandito naman ako?"tanong niya."Hangga't nandito ako hindi ka mag-iisa,palagi kitang sasamahan."sagot niya sa sarili niyang tanong.

"Iiwan mo din ako."tipid na tugon ko,saka humiwalay sa pagkakayap sa kanya.

      Alam kong iiwan niya rin ako,gaya ng mga taong nangiwan sakin.

"Hindi mangyayare yun"ani niya."kalimutan mo na siya alam kong nahihirapan ka na."sabi ulit niya.

      Bahagya akong napatigil sa sinabi niya.

"Sana nga cj,ganun kadali,sana ganun lang kadali ang kalimutan siya."litanya ko.Aaminin ko nahihirapan na ako,pero anong magagawa ko,nangyari na diba? ginusto ko namang magexist sa buhay niya diba?

"Alam kong mahirap Heaven,pero naniniwala ako sayo,kaya mo."pagpapa gaan niya sa nararamdaman ko.

     Lumandas na naman ang mga luha sa aking mga pisngi,yumuko ako para di niya iyon makita.

"Isipin mong kaya mo."sabi niya ulit,na para bang kinukumbinsi niya akong,yun ang dapat kong gawin.

     Tama siya,kaya ko 'to,matapang ako,matatag ako kaya ko to.

"Cj"tawag ko ulit sa kanyang pangalan.

"bakit?"tanong niya,tinignan ko siya sa pagkakataong ito nakita ko na siyang nakatingin sakin.

"Maraming salamat ah"saad ko.Nakita kong kumunot ang kanyang noo.

"Para saan?"tanong niya.

"Kasi palagi kang nandyan."sagot ko.

"Wala yun,simula ngayon masanay ka na,na palagi na akong nasa tabi mo."ani niya."Hinding hindi kita iiwan heaven.hinding hindi kita sasaktan gaya ng ginawa niya pangako."saad niya,saka niya hinawakan ang aking kamay.Mahina akong tumawa sa sinabi niya.

          Pangako? ilang tao na ba ang naniwala dyan? ilang isip na ba ang umasa sa salitang yan? at  ilang puso na ba ang sinakta at pinaiyak ng pesteng mga pangakong iyan?

"Uwi na tayo? Malamig na dito."Sabi ko at agad na tumayo,tumayo na rin siya at sumabay maglakad sakin.

"Wala ka bang sasakyan?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko dinala eh."sagot niya."pero maglalakad tayo,ihahatid kita sa bahay niyo."dugtong niya.tinignan ko siya.

"Wag na cj,malapit lang naman ang bahay namin dito eh,tsaka baka naabala na kita."tugon ko.

Narinig ko siyang tumawa,ngunit mahina,bakit hindi ikaw unang taong nakilala ko edi sana ikaw ang mahal ko ngayon.

      Pero ano ang mangyayari kapag ikaw nga ang una kong nakilala,sasaktan mo din ba ako?

     Naglakad na ako,pero sumasama parin siya sakin,kaya hinayaan ko na lang siya,ayoko munang makipagtali ngayon.

             Ni isa samin walang nagdesisyong gumawa ng ingay tanging mga yabag lamang ng aming mga paa at ingay lang sa paligid ang maririnig.

      Sobrang komplikado ng lahat,sobrang hirap ng sitwasyon.

         Pagliko namin sa isang kanto subdivision na namin kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"Dito na lang ako,pagpapaalam ko."tinignan ko siya,at nahuli kong nakatingin din sakin,medyo nailang ako dahil nakita ko siya nakatingin sakin.

"Mag-iingat ka."saad niya,nginitian ko lamang siya at pumasok na sa aming subdivision.

    Sa paglalakad ko naalala ko na naman ang eksena kanina,yung babae,yung magkahawak nilang kamay,yung mga ngiti sa kanilang labi at ang halik ni Kevin sa sa noo ng babae.

       Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit,umaasa pa rin ako na babalik siya,na magiging ok ang lahat,na babalik sa dati ang lahat.

          Pumasok na agad ako sa gate namin,sinalubong ako ng ilang katulong.

"Nasan sila mom at dad?"tanong ko sa kanila na patuloy parin sa paglalakad papasok sa aming bahay.

"Nasa kwarto na po."sagot ng isa sa aming katulong,tumango lamang ako at dumiretso ako sa kusina,naramdaman kong sumunod naman sakin ang isang katulong at ipinaghain niya ako ng makakain.Umupo ako sa Dining table namin habang hinihintay ang hinahanda ng aming katulong.

       Ilang beses akong tinanong ng aming katulong kung okay lang ako,ngunit tango lang aking naisasagot.

       Hanggang matapos akong kumain lutang parin ang isip ko,pumasok ako sa aking kwarto at naligo.

      Bakit ganun? bawat galaw ko,naalala ko lahat ng nasaksihan ko kanina.

        Hindi ako nagsisisi,ngunit di ko maiwasang hindi iyon maramdaman dahil parang sinayang ko lang ang dalawang taon na buhay ko.

    Pagkatapos kong maligo,blinower ko ang aking buhok,at nang ito ay alam kong dry na,itinigil ko na at lumabas ng aking kwarto upang pumunta sa dark room,upang makapagrelax ang aking katawan,utak at puso na rin.

   Pagkarating ko dun,pinatay ko ang ilaw at automatic na nagpakita ang mga bituin na akala mo nasa outerspace ka dahil ito ay 3d.Punong puno ng pillow sa kwartong iyon at foam lahat.

       Humiga ako tumingin ako sa kisame,tinitigan ko ang mga 3d stars,plinay ko ang  Say you won't let go sa aking cellphone,sinabayan pa nito ang mga 3d stars,sobrang lungkot ng eksenang ito.Parang fit ito sa mga nangyayare.

        Napaluha ulit ako,Ok lang na umiyak ako ngayon sapagkat wala namang makakakita.Umiyak ako ng umiyak hanggang mapagod na aking mata.

Sana sa oras na makalimutan kita,wag ka ng bumalik pa.

Maraming salamat sa mga ala-alang,na kailanman hindi ko na mararanasan pa.

Mahal na mahal kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moving-onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon