Chapter 2: Just a Dream

75 2 1
                                    

*riiiiing riiiing*

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at umupo sa gilid ng aking kama. Haaaay panaginip lang pala iyoon! Buti na laang. Kinabahan ako kala ko totoo kase parang totoo talaga. Habang iniisip ko muli ang mga pangyayari dun sa panaginip ko habang ako'y nagaayos ng aking sarili at bumaba na para kumain ay biglang sumakit ang ulo ko at biglang may naalala ako na pangyayari na katulad ng panaginip ko, katulad na katulad pero hindi ko ito nakita sa aking panaginip pero pamilyar ito sa akin! pamilyar na pamilyar... At umiikot na ang paningin ko at narinig ko na lang ang sigaw ni nanay Flora at umitim na naman ang aking paligid.

Iminulat ko ang aking mga mata at puro puti ang aking nakikita. At ng makita ko ang dextrose sa tabi ko ay bigla akong nagpanic dahil alam kong nasa hospital ako. Natatakot ako sa hospital dahil naaalala ko ang paghihirap na dinanas ng mama ko dahil sa sakit niyang brain cancer nung bata pa ako at mas matindi pa doon ay nasaksihan ng aking mga mata kung pano ito nalagutan ng hininga. At ng malaman ng papa ko na namatay ang mama ko ay bigla itong inatake sa puso at nalagutan na din ng hininga. Simula noon, ang si Nanay Flora na ang nagpalaki sakin at sinusustentohan naman ni Lola ang mga pangangailangan ko. Sobrang sakit na makita mong lumisan na ng mundo ang dalawa sa pinaka-importanteng mga tao sa buhay mo.... Sobrang sakit pero naka-move on na ko sa pagkamatay ng mga magulang ko pero hindi pa ko nakaka-recover sa mga dinanas ko sa lugar na ito at hinding hindi ito maaalis sa aking isipan ngunit meron pang isa na nakakapag-paiyak at nakakapagpatakot sakin ng husto at pag pinilit kong alalahanin ang mga ito ay bigla na lang akong naluluha ng hindi ko namamalayan..... At ang sakit ng sakit ng pakiramdam ko sa hindi ko mamalayang rason.

"A--araaay." Ani ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Naalala ko na naman ang isa sa mga pangyayari sa panaginip ko. Ay, hindi pala ito isa sa ma pangyayari sa panaginip ko. Ito ang naalala ko kanina bago ako himatayin. Katulad na katulad siya ng panaginip ko ngunit ang pinag-kaiba nila ay nasa sasakyan kami at parang may humahabol samin dahil hingal na hingal kami. Oo, kami dahil may lalaki sa panaginip ko.... May lalaki... Hindi ko na maalala ang kaniyang mukha pero sigurado ako pagnakita ko yun tiyak akong maaalala ko iyon pero yung mga labi niya naaalala koo.. Ang pilit na ngiti niya.... At sinabi ang mga katagang ito. "Cassy, tandaan mo ito. Mahal na mahal kita. 'Wag mo kong kakalimutan, Mahal ko."
At pagkatapos non ay biglang may umilaw sa likod niya at biglang wala na. Nawala na ang lalaki.... Nagulat ako ng maramadam ko ang mga luha sa pisngi ko. Bakit ako umiiyak? Anong meron? Sino ba ang lalaking yun? Ano ko ba siya? Totoo ba siya? O hindi? Pero kung hindi bakit ganito yung nararamdaman ko? Kakaiba yung nararamdaman ko eh. Para kasing totoo yung feeling.. Pero sino ba talaga yung lalaking yun? Sino ba talaga siya?

Playful TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon