Chapter 6: Lunch Part 1

28 0 2
                                    


Tuluyan nang naka-alis ang dalawa samantalang kaming apat ay nag-aayos na ng gamit namin para makalabas na.  Oo, alam ko hindi pa namin uwian pero kasi ang lunch break dito sa amin ay nagtatagal ng halos dalawang oras. Tagal diba? Well, our school is not like the others, it's unique.

"Okay, guys. Saan tayo kakain?" Pambabasag ni Steve sa katahimikan.

"SA STARBUCKS!" Masiglang tugon ni Calv sa tanong ni Steve na tila'y sabik na sabik pa.

Kinotongan ni Steve si Calv sabay sabi. "Tanga! Ang bobo-bobo mo talaga Calvin! Anong oras na ngayon ha?" Naiinis na tugon ni Steve.

"Oras? Teka patingin ako sa relo mo. *sabay kuha sa wrist ni Steve* 11:46 a.m. Bakit mo pala tinatanong sakin eh may relo ka naman? Nabobo ka na?" Pang-aasar ni Calv kay Steve.

"Eh bobo ka pala eh! Tinatanong lang kita. Bumalik tayo sa topic. Oh diba 11:46 na, tapos break natin ngayon. Ano kinakain pag magtatanghali na?" Ani ni Steve na parang nagtatanong sa batang hindi makaintindi ng Tama at Mali.

"Ano kinakain? Edi pagkain! Tanga naman neto."

"BOBO!"

"Jokjok lang pre, eto masyadong seryoso eh. Ano kinakain? Edi Main Course!"

"Oh alam mo naman pala eh. Tapos sasabihin mo kakain tayo sa Starbucks? Nahihibang ka na ba?" Kunot-noong tanong ni Steve.

"Oh eh bakit? Ano bang masama dun?" Kunot-noong tugon ni Calv.

"Eh bakit pa tayo mag-Starbucks kung pwede naman sa Dunkin Donuts?" Tugon ni Steve. Ha? So anong connect?

"Ah oo nga noh! ang galing mo naman Steve! Talino mo talaga! Oh ano guys? Tara na sa Dunkin Donuts?" Pang-aaya ni Calv.

"Sabi ko naman sa'yo eh. Matalino talaga ako. MA-TA-LI-NO." Pagmamayabang ni Steve.

Maya-maya pa'y pinaguntog ni Ethan ang ulo nila Calv at Steve.

"Problema mo Ethan?" Tanong ni Steve na hinahaplos pa ang noo na tumama sa gilid ng ulo ni Calv.

"Oo nga, Ethan, Nag-iisip lang naman kami ng lugar na pwedeng kainan ha?" Naka-kunot noong tanong ni Calv.

"Eh pano ba kasi yung mga sinasabi niyo puro Starbucks at Dunkin Donuts! Eh kakain tayo ng tanghalian!" Pangangaral ni Ethan sa dalawa.

"Eh ano ba dapat?" Sabay na tugon ng dalawa.

"Dapat sa Krispy Kreme tayo!" Naka-ngiting tugon ni Ethan.

Maya-maya ay yung dalawa naman ang kumotong kay Ethan. "ANO BA?!"

"Isa ka ding bobo eh!" Ani ni Steve. "Pshh, Oo nga!" Dugtong ni Calvin.

"Hay nako. Pare-pareho lang naman kayo." Ani ko sa aking sarili. Nagulat ako ng agad silang tumingin sa akin. "Oh, bakit?"

"Any suggestions para sa lunch?" Naka-ngiting tanong ni Calv.

"Do you mind to eat lunch in our house?" Naka-ngiti kong paanyaya sa kanila.

Nagulat ako ng ipinulupot ni Steve ang kanyang kamay sa braso ko at "Talaga bestfriend? Papakaininin mo kami sa bahay niyooo?" Ani ni Steve na kumikinang ang kanyang mga mata na akala mo'y batang nabilhan ng laruan.

"Hindi ba nakakahiya sa inyo, Cass? Kasi bago mo pa lang kami kilala tas kakain agad kami sa inyo?" Nagtatanong na si Ethan.

"It's okay lang naman kasi wala namang tao sa bahay except sa mga katulong namin at si nanay Flora." Pag papaliwanag ko.

"Ayun naman pala, Ethan eh!" Calv

"Tara na't chibugin baka kasi diba? U know! Wala tayong mapala dito.." Ani ni Steve.

"Oh ano, tara na?" Pang-anyaya ko. At nag lakad na.

"Kakapal talaga ng mga mukha niyo." Rinig kong bulong ni Ethan mula sa akin likod.

"Psh. Dami mo pang arte, brad! Gusto mo din naman eh. -__-" Steve.

"Anong gusto ko din? Sino nagsabi ha?" Ani Ethan.

"Kunwari ka pa.." Calv.

"Wag mo nga 'kong itulad sa inyo." Ani ni Ethan na umirap pa sa hangin.

"Kung ayaw mo, ba't nandito ka pa? Ba't nasunod ka pa din sa amin, ha? Psh." Steve.

Magsasalita na sana si Ethan ng inunahan ko siya. "Magpapasundo ba tayo sa driver namin? I already text Nanay at nag-approve naman siya." Sabi ko sabay pakawala ng ngiti.

"We'll use my car." Ani ni Ethan na nagpakawala na naman ng matatamis na ngiti. Ughhhhh!!! How could u be so hot as fuck?!! I shook my head AGAIN! No, Cassandra. No! You have nothing to Ethan..

"Okay, then."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playful TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon