CPMGP_Chapter 78

52.1K 1.7K 24
                                    

RUSSEL'S POV

Nakaupo ako sa tapat ng Hospital Bed ni Dazu habang nagbabasa ng magazine, habang si Tita Crystal nililinisan ang mukha niya.



"D-Dazu?" Napalingon ako kay Tita Crystal nang tawagin niya ang pangalan ni Insan. "Dazu, anak?"



Pero napatayo ako at napatitig kay Dazu nang makita kong nakadilat na 'yong mga mata niya.



"G-Gising ka na?" Sabi ulit ni Tita. "Dazu, anak ko!" Halos umiyak na si Tita at mapatawag ng Doctor. "Nurse! Doc!" Sigaw niya sabay labas kaya pagkakataon ko nang lumapit kay Dazu ngayon.



"D-Dazu?" Paniniguro ko. "Dazu." Bigkas ko ulit at tumango siya. "G-Gising ka na?" Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakangiti kaya nginitian niya rin ako.



"Ru..ss...el." Bigkas niya ng dahan dahan at mahina.



"Tss, bumalik ka na." Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak. "Salamat naman." Mas napangiti ako ng husto. "T-Tawagan ko lang si Kazu. Ibabalita kong gising ka na." Agad kong kinuha 'yong cell phone ko para tawagan si Kazu.










DAZU'S POV

Buhay pa ako? Ito ang unang tanong ko sa sarili ko habang nakangiti at nakatingin sa ilaw na natatanaw ko ngayon. Inikot ko ang mga mata ko sa buong paligid na nahahagip ng paningin ko. Alam kong madaming nakakabit sa katawan ko pero kahit ano pa 'yon, ang mahalaga buhay ako.



Unti-unti may tumutulong luha sa mga mata ko pero hindi ko ito mapunasan dahil hindi ko pa maigalaw ang mga kamay ko. Masaya ako. Sobrang saya ko. Pero nang may biglang sumagi sa isipan ko, dahan dahan kong nilingon si Russel.


"G-Gus...gusto...ko siyang...makita." Bigkas ko.


"Ha? Insan? Anong sabi mo?" Aniya.


"Shi...mi."








RUSSEL'S POV

"Shi...mi."


Bigla nalang nawala ang mga ngiti ko nang banggitin niya ang pangalan ni Shimi. Paano ko sasabihin sa kanyang umalis na si Shimi? Mabuti nalang at dumating na ang mga doctor kaya't naibaling sa iba ang sinasabi ni Dazu.



"Wow, congrats that you are alive Mr. Kang." Bati no'ng doctor sa kanya. Bahagya naman akong umatras para makaiwas sa mga itatanong niya. Hindi niya dapat malaman ang tungkol sa pag-alis ni Shimi lalo't ganyan pa ang kalagayan niya.



"Kuya?! Kuya!"

"Dazu?!"

"Dazu!"



Mula pa lang sa labas ay naririnig ko na ang boses ng mga Prince papunta rito. At nang makapasok nga sila rito sa loob kasama rin nila sina Ayesha, Jamaica at Alex. "Totoo ngang gising na si Prince Dazu." —Jamaica.



"Mabuti naman at gising na siya." — Alex.



Matapos siyang check-up-in ng Doctor hinayaan siyang makipag-usap sa amin ng ilang minuto para ma-fresh ang matagal niyang natutulog na isipan. At sa tuwing si Shimi ang mapag-uusapan, iniiba agad namin ang kuwentuhan dahil walang gusto sa amin na ipaalam sa kanya 'yong tungkol sa pag-alis ni Shimi. Hanggang sa lumipas ang ilang linggo at tuluyan na ngang nakarecover si Dazu kahit paano.




 Hanggang sa lumipas ang ilang linggo at tuluyan na ngang nakarecover si Dazu kahit paano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 1)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon