12

2.7K 188 242
                                    

Jimin: Taehyung, asan ka. Please. Sumagot ka.

√ Seen 3:29 AM

Jimin: TAEHYUNG!

Taehyung: d2 aq bar

Jimin: ha

Jimin: tangina pareho lang kayo ng nanay mo magsama nga kayo

Taehyung: asa bar ngs akooooak hehehed

Taehyung: dmaing chix d2 heheheb

Taehyung: pro bkit ikaw pa rjn yung nasa isip ko??? $?? jumin? pakr jimin! paku ka

Jimin: Anak ng, LASING KA BA?

Taehyung: jsimiiiiiiin bakeweeettt ang dmaing mas gwapo sayo dito pero bat ikaw parin heh

Taehyung: ginayuma mo sko no sumgt ka

Taehyung: Yaan mo na taehyung wala namang pake yan sayo yaan mo na

Taehyung: tama ka dyan taehyung

Taehyung: ay shet akk yon ah hahahahah

Jimin: saang bar? sa malapit sa university?

Taehyung: hulaan mooookkkkkoooooooookloooki~~~~'

Taehyung: hshshshhshshahahhhwhwh

Jimin: namo matae ka sana

Taehyung: namo yung hinahanap nila dati sa dagat finding namo hahahshahahahahahahahahahhaha tangina angfunny mo pwede bang makipagkaibigan sayo

Taehyung: oo namn

Taehyung: hi ako si taheyung, kim teahysung

Jimin: taehyung kausap mo sarili mo. papunta na ko dyan.

Kahit anong oras na, napagdesisyunan ni Jimin na puntahan si Taehyung. Hindi niya yun papabayaan kahit na galit siya doon.

Pagkadating sa bar, halo halong alcohol at pawis ang agad naamoy ni Jimin. Muntik na siyang masuka nung may naghahalikan na babae't lalaki sa gilid ng pinto. Gandang bungad.

"E-Excuse me po." Pagsingit niya sa mga nagsasayawang tao. Pero bigla siyang hinarangan siya ng security guard.

"Hoy bata, bawal menor de edad dito."

Napanganga si Jimin at handa nang manuntok pero kinalma niya yung sarili niya. "Hindi ho ako bata. 3rd year college na ho ako. Salamat."

"Curfew na, bata. Pwede kang makulong."

"ABA PUTANGINA DI NGA AKO BATA GAGO KA AH!"

Agad na naglabas siya ng ID. Napakamot naman yung guard at nagsorry.

TANGINA ANO HEIGHT KO NA NAMAN. Sabi ni Jimin sa isip at hinanap ulit si Taehyung.

"Taehyung?" Sabi nito habang naghahanap, pero walang sumagot. Sa lakas ba naman ng tunog, hindi ba?

Nakakita naman siya ng grupo ng mga babae na nakatingin sa kanya. Kinililig na ewan.

"Bakla ho ako." Sabi ni Jimin sa kanila bago umalis. Huwag niyo akong subukang pagnasaan, mga gaga.

Sa wakas, sa dulong lamesa nakaupo ang isang matangkad, pero gwapong nilalang na umiinom ng beer mag-isa.

Agad na umupo si Jimin sa tabi ni Taehyung. "Hoy, uwi na tayo. Tara." Hinihila hila niya si Taehyung pero nakatitig lang ang gago sa mga bote ng beer. Aba andami ah, nakaisang case na ba to?

"OYYYYYY JIMIIIIIIN!" Niyakap siya ng mahigpit ni Taehyung. "T-Taehyung, lasing ka na. Tara na. Nag-aalala na yung nanay m--"

"Gusto mo uminom!? TARA SHOT!"

"Taehyung."

Tinignan siya ng mariin ni Taehyung. Mata sa mata. Ngayon niya na-realize na kanina pa pinagpapawisan si Taehyung kaya medyo basa yung buhok at mukha niya.

Taehyung licked his lips before staring into Jimin's plump lips. Bigla siyang lumapit at hinalikan ng madiin si Jimin.

Sa gulat na Jimin, napatigil siya habang nanlaki ang mga mata, saka lang siya bumalik yung diwa niya nung hawakan ni Taehyung yung leeg niya.

Tinulak niya ng malakas si Taehyung. "TAEHYUNG ANO BA!"

Nakatingin lang sa kanya si Taehyung at bigla itong tumawa ng peke. "Sorry. Ngayon ko lang narealize na wala nga palang tayo."

"Taehyung please, umuwi na ta-"

"Sa isang kondisyon." Medyo nawala na yung pagkalasing niya pero masakit pa rin ang ulo niya.

"Ano yun? Sige na para makauwi na tayo."

Tinitigan ulit ni Taehyung si Jimin at saka nagsalita. "Mahalin mo ako pabalik."

Napaatras ng kinauupuan si Jimin.

"Y-Yun lang, Jimin. Yun lang." Ngumiti ng peke si Taehyung, hindi niya narealize na tumulo na pala yung luha niya. Akala ko ubos na, meron pa pala.

"Taehyung.."

"Yun lang, please. Mahalin mo lang ako pabalik. Haha." Nagawa niya pang tumawa habang umiiyak.

"Taehyung, s-sorry."

"Haha. Oo nga pala. May Yoongi ka na." Nagpunas ito ng luha.

"Nakalimutan ko, iba nga pala yung mahal mo. Nakalimutan ko, kasi yung nasa isip ko puro ikaw at ako. Nakalimutan kong wala nga palang 'ikaw at ako'. Haha. Sorry."

"Taehyung please.." Pagmamakaawa ni Jimin na tumigil, kase kahit siya nasasaktan.

"Jimin..sana pagkatapos nito, bumalik tayo sa dati. G-gusto kong kalimutan mo lahat. Kasi ayoko ng masaktan. Paulit ulit na lang. Huwag kang mag-alala, hindi ako magiging hadlang sa inyo ni Yoongi." Sabi ni Taehyung, nakangiti.

"Salamat. Sorry. Taehyung, madami ako gustong sabi--"

"Sshh. Okay na. Tanggap ko na."

And again, niyakap nila ang isa't isa. Pwede naman yun diba? Kalimutan na lang nila yung nangyari.

"Paalam, Jimin." Huling bulong ni Taehyung na hindi narinig ni Jimin.

***

next chapter naaaaa hehe >:--)

happy 10k reads fan! 💌

fan | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon