13

2.8K 186 367
                                    

"HA!?"

"Tangina! Kailangan sumigaw? Sakit sa tenga ha." Sabi ni Baekhyun at kumain ulit ng jelly ace. Nanonood silang dalawa ni Jimin ng Moana sa laptop sa college dorm nilang dalawa.

"H-Hindi lang ako mapakaniwala..Si T-Taehyung.." Sabi ni Jimin at niyakap yung unan niya.

"Oo nga eh. Akala ko ba ayaw nun kay Jungkook? Tas malalaman ko na lang na sila na?" Sabi naman ni Baekhyun at uminom ng C2 Lemon.

Aba, ang gaga, naglalakad sa loob ng university nila tas nakichismis kay Minhyuk, ang sabe nakita daw nila si Taehyung at Jungkook na holding hands at nagtatawanan kaninang umaga. Muntik pa nga daw matisod si Taehyung kase hindi nakatali yung sintas niya, tanga amputa.

"O, e bakit ka malungkot? Hindi ba OTP mo yung TaeKook? HAHAHAHAHAHA--puta--tubig--" Sabi ni Baekhyun pero nabilaukan nang malunok niya yung jelly ace na hindi pa nginunguya. Ayan, gago, daldal pa.

"Tangina mo." Binato ni Jimin yung C2 Lemon sa nag-aagaw buhay na Baekhyun at naglabas ng cellphone. May missed call pala siya galing kay Yoongi. 13 missed calls. Teka..

13 MISSED CALLS GALING KAY YOONGI!? PUTANGINA!?

Napasabunot naman si Jimin, dalawang araw niyang hindi binuksan yung phone niya kase busy siya kakaiyak dahil kay Taehyung.

Agad naman siyang nakipagdebate sa sarili kung anong gagawin.

Teka, kinikilig ako. Enebe.

Agad siyang lumabas ng dorm nila, iniwan si Baekhyun na umiinom ng tubig at nag-aagaw buhay.

"H-Hello--"

[ JIMIN! Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko? Okay ka lang? Alam mo bang nag-aalala na ako sa'yo? ]

"Yoongi, t-teka--"

[ Sinong nagsabing pwede mong hindi sagutin ang mga tawag ko? Ganyan ka na, ha? Hindi mo na ako papansinin? Ano bang nangyari sa'yo? ]

"Yoongi, sandali--"

[ Ngayon, hindi ka makasagot? Hah? Bakit ayaw mo magsalita? ]

"Tangina, isa pang satsat, pupunta ako diyan tas hahalikan kita."

[ An--Ha? ]

Napatakip naman ng bibig si Jimin at namula. Agad niyang binaba yung tawag at tumakbo papunta sa loob.

"Oh? Nyare sa'yo? Pagkatapos mokong iwan dito, muntik na akong mamatay."

"Muntik ka nang mamatay? Sayang." Agad siyang tumakbo sa loob ng kwarto niya bago siya batuhan ng bote ng C2 ni Baekhyun.

Yoongi's POV

Suh-waeg.

"Seokjin, alam mo ba kung nasaan si Jimin?" Sabi ko nung makita ko silang magkasama ni Namjoon.

"Try mo sa dorm nila Baek." Sabi niya, habang nakahawak sa kamay ni Namjoon. Tangina, sarap paliparin.

"Saan ba?" Sabi ko.

Habang tinuturo ni Seokjin ang daan, wala naman akong naintindihan. Kaya pagkatapos nilang umalis, tinext ko na lang si Jimin.

mini yoongi: jiminie~

√ Seen 12:42 AM

mini yoongi: :(

mini yoongi: so sineseen mo na ako ngayon? ge.

fan | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon