LIKER (ONE SHOT PROLOGUE)

884 26 2
                                    

1.

''Asar! Sino ba kase tong Hearthrob Master na to! Andameng likes! Nakakainis na!! Okay naman kung maglike sya pero sana isa isa lang, wag flood!! Yung facebook ko kase nag hahang na!''

''Hm! Di kaya secret admirer mo? Haha. Alam mo girl, swerte ka nga kasi may liker ka na hindi napapagod maglike ng mga nasa loob ng facebook mo noh. Baka nga kahet tuldok lang, like nya na agad. Haha.'' Loko talaga tong baklang to! Tssss.

''Secret admirer ka jan! Ah! Basta, nakakainis!'' Sabe ko.

Tinignan nya naman ako at nginitian ng nakakaloko. Haynakooo.

''Oh? Baliw ka na ba? Tumatawa ka mag isa jan.'' Sabe ko sa kanya na may inis.

''Teka, wala ng nagbibigay ng flowers sa locker mo diba? Tas ngayon? Liker naman? Haba ng hair mo girl. '' Napaka ano talaga neto ni Ced. Tssss.

''E ano naman? Ano konek nun?'' Tanong ko.

''Hmm. Siguro tumigil na sya sa pagbibigay ng flowers kasi wala ng pera, or di kaya naging liker na lang sya para sa ikakasaya mo, admirer mo nga yan. Nakuuu! Napakatorpe naman nyan Sofhia! Haha.''

''Baliw ka talaga! Gumawa ka na nga ng assignments mo, puro ka facebook e.'' Sabe ko.

''Hindi kaya si Fafa Richard yan? Waah!! Omo. Yung crush mo, yung sikat na basketball player. Yung hot, yung gwapo, yung..''

Hindi ko na sya pinatapos makasigaw kasi e. Nakakahiya! Andaldal ng baklang to. Baka andito su Richard o girlfriend nya baka maptrouble pa. Tsaka yung mga fans nya. Naku! Nagsitinginan ang mga students samen sa library. Humingi din kame ng sorry kay Maam.

''Ang ingay mo! Tumigil ka nga jan, mamaya kumalat pa yung tsismis e. Lagot tayo. Tsaka napakaimposible noh. Ano ka ba! Tumigil ka na ha. Kakaltukan kita e.'' Sabe ko.

Ayoko umasa, syempre hanggang pangarap ko na lang ata yun. Tsaka napakaimposibleng mangyare noh. Isang ordinary student ka lang tas inaadmire ka pala ng isang sikat? Tsss. Oh life, give me a sign.

''To naman nagbibiro lang, what if lang naman e.'' Ced.

Hindi biro yun Ced. Pinapaasa mo ko

Pero sino bang nagsabeng umasa ka? Wala naman diba Sofhia? Talagang umasa ka lang.

Oo na, umasa na ko. To naman kase si Ced e. Haaay. Wala bang balak magpakilala to kung sino?

I'm Sofhia Jane Pimentel. 16 years old. First year College. Simpleng student Lang naman. May pagkaloner di kase ako friendly e. Si Ced lang ang friend ko, buti nga nilapitan nya ako. Haaay, lovelife? Pangarap na lang yan.

--

2.

After namen maglibrary, naisip namen na kumaen muna sa Canteen.


Naglalakad na kame ni Ced pero halos lahat ng students nakatingin saken. May problema ba? May dumi ba sa mukha ko? May tigyawat ba ako? Wala naman. Pero, bat pinagtitinginan nila ako? Madumi ba uniform ko? Hindi naman. Haaay. Baka kalat na yung tsismis about sa nangyare dun sa Library. Humanda ka talaga Ced.

''May napapansin ka ba?'' Tanong ko kay Ced.

''Oo, maganda ka.'' Ced.

Ano ba naman to, pag kinakausap ng seryoso dun magloloko. Langya!

''Wag mo nga akong bolahin. Wala ka bang napapansin? Pinagtitinginan nila ako.''Sabe ko.

My LIKER Boyfriend (BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon