Boyfriend ♥ 1.5

305 25 0
                                    

Wala pa ring pinagbago, ganito pa din. May mga nadagdagan, may mga nabawasan. Sana sa bawat parte ng buhay ko, puro dagdag lang. Ayokong may isang taong mawala sa buhay ko. Hay, bat ba ako nagdadrama?

Matapos ang aming third class, pinaglunch break na kami. Medyo wala pa akong masyadong kausap and ka-close. Ayoko naman maging feeler, mas okay na sigurong maging loner. Ayoko din kasing makihalubilo agad sa iba.

Lumabas na ako ng room para pumunta ng cr, itetext ko nalang siguro si Richard. Gusto nya kasi sabay kami every lunch break, eh hindi ko naman alam kung same ba kami ng oras sa breaktime.

"Sofhia!" Napalingon naman ako sa sumigaw ng pangalan ko, napahinto ako sa paglalakad.

Si Kerby.

"Uh.. May kasabay ka ba? Sabay ka sana sa amin?" Sabi nya sa akin at tinignan ko naman yung mga taong nasa likod nya. Tatlong lalaki, at apat na babae. Kasama doon sila Beatriz and Grethel. Yung mga kaibigan din nila.

Tumango nalang ako ng pahindi sa kanya. Nakataray kasi sa akin ang grupo nila Beatriz, tsaka wala din naman akong plano na sumama sa kanila.

"Ah. Bakit? Mababaet naman kami eh."

"Ahm. Sa susunod nalang siguro, may kasabay kasi ako eh."

"Ah. Ganun ba? Sino kasabay—"

Napatingin kaming dalawa sa sumagot na lalaki sa aking likuran.

"Ako. Ako ang kasabay nya." Kilala ko ang boses na yun! Si Richard!

Maya maya'y nakaramdam ako ng isang kamay na nasa balikat ko.. Tinignan ko naman ito, at katabi ko na si Richard. Nakaakbay sa akin..

"Richard?" Turo ni Kerby sa kanya. Magkakilala sila?

"Yes, Kerby?" Sagot naman ni Richard sa kanya.

"Long time no see, pare!" Agad naman syang nakipagkamayan kay Richard. Magkakilala ba sila? Bat.. parang hindi?

"You too, by the way.. Kita nalang tayo sa practise ah? Kakain pa kami ng girlfriend ko." Sabi naman ni Richard kay Kerby at talagang pinagdiinan nya ang salitang girlfriend kay Kerby. Medyo kinilig naman ako, natutuwa kasi para namang maaagaw ako sa kanya.

"A-ah.. S-sige. I-ingat kayo ah!" Paalam ni Kerby, at garalgal ang pananalita nito sa amin. Bakit kaya?

Tumango lang kami ni Richard, at nagpatuloy sa paglalakad.

"Classmate mo sya?" Biglang tanong ni Richard sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at tumango.

"Oo. Magkakilala ba kayo?" Tanong ko.

"Yes, he's my rival in basketball. Our team and his team are rivals." Ahh.. Kaya pala, ganun sya makitungo. Magkakilala pala sila dahil sa basketball.

"Ah. Pero magkaibigan kayo?" Tanong ko ulit.

"No.." At bigla nalang syang nauna maglakad. Bat ang sungit nya ngayon?

"Richard, wait!" Tumakbo nalang ako para mahabol ko sya dahil ang bilis nya maglakad. Ano bang problema nun? Bigla bigla nalang ako iniiwan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, binilisan ko na ang lakad ko pero hindi ko pa rin sya maabutan. Ang lalaki ng kanyang mga hakbang.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa lamesa, hinihintay namin yung inorder ni Richard na pizza at carbonara.

"Wala." Tugon nya ng hindi tumitingin sa akin. Hay, ano bang problema nito?

"Hindi nga? Bakit ang sungit mo ngayon? Parang kanina ang cheezy mo lang ah?"

My LIKER Boyfriend (BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon