Akala ko ang pangarap noon, mahirap abutin. Akala ko ang pag ibig noon, mahirap damahin. Akala ko, ay peste! Puro nalang akala, eh nagkatotoo naman ang pangarap ko. Ang pangarap kong mahalin din ako ng mahal ko. Hindi ko akalain na magiging madali ang mundo ko ngayon, ang mundo kong sobrang napupuno ng kasiyahan at pagmamahalan. Maraming nagulat sa historya namin ni Richard maski ako din naman ay hindi makapaniwala, hindi makapaniwala na kami ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Teka, hindi pa pala eto ang huli.. Dahil nagsisimula palang kami.
••
"Sofhia! Sofhia! Bumaba ka na dyan, hinihintay ka na ni Richard. Bilisan mo dyan, okay?"
"Yes, Ma. Saglit nalang po."
Hay, ang sarap sa pakiramdam na may magsusundo sayo sa bahay at sabay kayong maglalakad at papasok sa eskwelahan. Maghihintay sa'yo tuwing uwian, at ihahatid ka sa bahay. Masaya na din ako dahil napakilala ko si Richard sa mga pamilya ko. Halos lahat nga sila, hindi makapaniwala na sya ang boyfriend ko. Gwapo, macho, sikat, basketball player, mabaet, gentleman, maginoo, ideal man.. Halos lahat na sa kanya na. Ang swerte ko noh? I'm his first girlfriend, swerte din naman sya sakin eh because he is my first boyfriend.
Nang matapos na akong mag ayos, tumitig muna ako sa salamin. Ngayon ang unang araw ng pasukan namin, bilang second year college. Nagtetake ako ng IT Hardware, samantalang sya Civil Engineering. Hindi na rin masama, dahil maganda naman ang nakuha namin.
"Go, Fhia! Inhale, exhale!"
Bumaba na ako pagkatapos kong mag ayos at magsalita sa salamin. Pft, lagi ko naman ginagawa yun dahil.. dahil gusto kong mawala yung nerbyos ko. Syempre, ngayon na lang ulit kami magkikita ni Richard, umuwe kasi sya sa ibang bansa para bisitahin ang parents nya. Nakakalungkot lang, kasi di pa ako kilala ng parents nya. Pero okay lang naman daw sabi ni Mama, may tamang panahon para doon.
Isang lalake lang ang nakita ko habang lumalakad ako pababa ng hagdan, hays. Ang gwapo mo talaga, at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ikaw ang boyfriend ko na inaadmire ko lang noon.
"Wow.." Isang ngiti ang nakita ko sa kanya, at agad naman syang nagbow na para bang isa akong prinsesa na nasa harap nya.
"Ang ganda mo, Sofhia." Pft, kelan pa sya naging bolero?
"Pft, wag ka nga! Ang aga aga nambobola ka.." sabay hampas ko sa kanya sa braso.. at ako? Eto.. di mapigilan yung kilig, ang aga aga kasi nagpapakilig na agad.
"No, ang ganda mo talaga. Ikaw lang ang babaeng pinakamaganda sa paningin ko."
Feeling ko pulang pula na yung pisngi ko dahil sa sinabe nya, pumunta lang sya ng ibang bansa naging cheezy na sya? Err.. bakit ba nagpapakilig ang lalakeng 'to.
"Psh, oo na lang kahet hindi."
"Don't down yourself, Sofhia. I love you, and you are the one and only apple of my eye.."
Oh my! Saan nya natutunan ang mga salitang yan? Aish! Pulang pula na ang pisngi ko! Nararamdaman ko! Ang init init na! So, kelan pa sya naging cheezy huh?
"Ewan ko sayo!" Pakipot na sabi ko.. eh kasi naman, ayokong makita nyang namumula ng sobra ang pisngi noh. Baka mamaya, asar asarin nya pa ako.
"Oh, andyan ka na pala. Di pa ba kayo aalis?"
"Aalis na po, Ma."
"Osige na, umalis na kayo at baka malate pa kayo.."
"Opo Tita." Napatingin naman ako kay Richard sa sinabe nya kay Mama. Hay, ang sarap sa feeling. This day, Tita.. sooner or later, Mama na? Joke, matagal tagal pa yun noh.
BINABASA MO ANG
My LIKER Boyfriend (BOOK)
Teen FictionSofhia Jane Pimentel, ang kaisa isang babae na kahet kelan ay hindi pa nakaranas ng pagmamahal bilang kasintahan. Richard Xander Cruz, ang kaisa isahang lalake na napakatorpe. Hindi marunong umamin ng nararamdaman nya dahil ayaw nitong ma-BASTED! Pe...