PROLOGUE
Iniwan,
Pinaasa,
Binalewala,
Kinalimutan,
Sinaktan.
Iyan ang ilan sa mga kahihinatnan mo sa oras na masira at mawala sa isang tao ang tinatawag natin na pag-ibig. Nakakatawang isipin na sa isang simpleng pagmamahal mo para sa isang tao, sa isang iglap lang ay kaya ka nitong gawing miserable.
Pero naniniwala akong hindi mo naman mararanasan ang lahat ng mga iyan kung marunong ka lang maglaro sa larangan ng pag-ibig.
Kung alam mo kung paano ang tamang paraan para manipulahin ang damdamin ng isang tao, paniguradong ikaw ang mananalo. Hindi ikaw ang uuwing talunan. Marami-rami na rin akong namanipulang laro at ang lahat ng iyon ay naipanalo ko.
Ikaw, makakaya mo kayang makipaglaro sa akin?
●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●
Copyright ⓒ 2017
ALL RIGHT RESERVED.No part of this may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the permission of the author, except where permitted by law.
YOU ARE READING
The Manipulator
Roman d'amour"Hindi ka naman masasaktan sa larangan ng pag-ibig kung kaya mong manipulahin ang nararamdaman ng puso mo." - Charlene Cruz