|| ALDRICH LUCAS SANTOS ||
Sabay kaming pumasok ngayon ni Charlene sa school. Sinundo ko siya sa bahay nila kanina para magkasabay kami ngayon. Hindi tulad kahapon, seryoso na naman ang mukha niya. Kung kumilos siya ay para bang wala siyang ginagawa na kung ano.Pinansin ko rin ang suot niya ngayon. Mabuti naman ay hindi gaano ka-sexy ang suot niya. Mas mabuti na ang ganoon. Madalas kasi akong mapaaway nang dahil sa kanya. Hindi ko kasi maatim ang mga tinging ibinibigay sa kanya ng ibang mga lalaki.
"Lucas." tawag bigla sa akin ni Charlene.
"Yes?"
"Get yourself ready." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Ready for what?" tanong ko.
Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Mabilis siyang naglakad papunta sa babaeng masasalubong namin dito sa hallway. Pamilyar ang hitsura ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang babaeng nasa picture na pinakita sa akin ni Charlene kagabi. Si Ramira.
"Charlene!" masayang bati ng babae sa kanya.
"Kumusta na?" nakangiting tanong ni Charlene sa kausap niya.
"Ganoon pa rin. Ang pretty ko pa rin sobra at syempre ikaw din!"
"Thanks." at nginitian niya ito. "By the way, kasama ko ngayon ang sinasabi kong kaibigan."
Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa harap ng kausap niya.
"Siya si Aldrich Lucas Santos. Ring a bell?"
"Uhmm…" panandaliang nag-isip ang babae. "OMG! Related ka ba sa kaklase ng kuya ko? Iyong sikat na varsity player dito sa school?"
"Yes. Actually, pinsan ko siya." sagot ko.
"I knew it! Sabi ko na nga ba at parang may pagkakahawig kayong dalawa!"
"By the way Lucas, siya si Ramira Jace Delgado." pagpapakilala ni Charlene sa akin.
Inabot naman ni Ramira ang kamay niya sa akin.
"Hi! Ako si Ramira but you can call me Mira for short." masayang pagpapakilala nito sa akin.
"Nice meeting you. Ako naman si Aldrich."
"Hmm.. Can I call you Lucas?" tanong ni Mira.
"Sorry. Iisang tao lang kasi ang tumatawag sa akin niyan." at lihim kong sinulyapan si Charlene pero parang wala siyang pakialam sa usapan namin.
Saglit na tinignan ni Charlene ang wristwatch niya.
"I have to go. May kukunin pa akong libro sa library." sabi ni Charlene.
"Samahan na kita." alok ko.
Tinignan naman niya ako na para bang binabantaan niya ako.
"Hindi naman kalayuan ang library dito. Samahan mo nalang muna si Ramira."
Kahit labag sa gusto ko, sinunod ko nalang siya. Ano pa ba ang magagawa ko?
"Maiwan ko na kayo. Bye."
Saglit ko pang tinignan si Charlene hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
"Uhmm, so ano nang gagawin natin? Hapon pa kasi ang susunod kong klase. Ikaw ba?" tanong ni Mira.
"Mamayang hapon din ang sunod kong klase. Gusto mo bang pumunta ng cafeteria muna?" alok ko.
"Sure!"
Nagpunta nga kami ng cafeteria at bumili ng snacks namin. Inoobserbahan ko ang kasama ko. Masaya siyang kasama, masayahin, positive ang pananaw sa buhay at palangiti. Ano naman kaya ang dahilan ni Charlene at siya pa ang napili niyang sunod na paglaruan?
YOU ARE READING
The Manipulator
Romance"Hindi ka naman masasaktan sa larangan ng pag-ibig kung kaya mong manipulahin ang nararamdaman ng puso mo." - Charlene Cruz