|| ALDRICH LUCAS SANTOS ||
Pumasok ako sa bar kung saan alam kong nandoon ang babaeng hinahanap ko. Napansin ko na maraming tao ang nasa loob ngayon. Kung sabagay ay Biyernes ngayon kaya naman hindi na kataka-taka iyon. Nauna siyang pumunta dito dahil may tinapos ko pa saglit ang iniutos ng isa kong prof.
Alam kong nandito siya para i-celebrate ang ginawa niya. Naghiwalay ang pinsan ko at ang girlfriend nito ng dahil sa kanya. No, let me rephrase it, nang dahil sa amin.
Agad ko naman nakita ang hinahanap ko ang kaso lang, may kasama siyang ibang lalaki at mukhang nagkakatuwaan sila. Dahil naiinis ako sa nakikita ko, dali-dali ko siyang nilapitan at hinila palayo sa kausap niyang lalaki.
"Ano ba? Kita nang kausap ko pa siya." angal ng lalaki sa akin.
"I don't care." matigas kong sabi.
"Aba't——"
Agad na sumalampak ang lalaki sa sahig dahil nasuntok ko siya. Hindi ako nakapagpigil pa kaya naman sa kanya ko inilabas ang inis na nararamdaman ko.
Hiniwakan ko sa kamay si Charlene at sabay kaming lumabas sa bar. Wala akong pakialam kung pinag-uusapan sa loob ang ginawa ko doon sa lalaki. He deserves it for touching my girl.
Pagkalabas ng bar, mas nauna pang maglakad si Charlene sa akin papunta sa nakaparada kong kotse. Hinubad ko ang suot kong jacket at ipinatong iyon sa balikat niya. Maiksing dress ang suot niya ngayon kaya naman nakakakuha siya nang atensiyon sa mga lalaking nasa loob ng bar.
Pagsakay namin sa kotse, wala pa rin sa amin ang nagsasalita. Tinignan ko si Charlene. Nilalaro niya ang kanyang buhok at kung minsan, tinitignan niya ang manicure ng kuko niya sa kamay.
"Balik tayo sa bar. Hindi pa ako tapos magcelebrate." bigla niyang sabi.
"No." mariin kong sabi
"Bakit? Nagseselos ka doon sa lalaki kanina?" tanong niya.
Hindi nalang ako umimik. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagdadrive. Narinig ko naman si Charlene na tumawa.
"Okay then. Doon nalang tayo sa bahay mo mag-celebrate."
Kahit hindi niya sabihin, doon naman talaga kami papunta. Pagkarating sa bahay, mas nauna pa siyang pumasok sa bahay ko at dumiretso siya sa mini bar sa loob.
Kumuha siya nang isang boteng vodka at nagsalin sa isang baso. Ayos na rin kung dito siya maglalasing atleast alam kong safe siya at mas nababantayan ko siya. Nagsalin pa siya ng vodka sa isa pang baso at iniabot sa akin iyon.
"Cheers!" at pinagbunggo pa namin ang mga hawak namin na baso.
Mukhang natutuwa na naman siya ngayon dahil meron na naman siyang naipanalong laro. Isang laro na kung saan siya ang nagmamanipula sa lahat. Masaya siya dahil mayroon na naman siyang namanipulang isip at damdamin ng dalawang tao. Masaya siya dahil may relasyon na naman siyang nasira.
"Masyadong madali para sa akin ang isang 'yon. Siguro ay dapat maghanap pa ako ng iba para naman medyo mahirapan ako." sabi niya sabay inom ng vodka.
"Hindi ka pa ba nagsasawa?" bigla ko nalang naitanong sa kanya.
Tinignan lang ako ni Charlene saglit at nginitian ako.
"Bakit? Ayaw mo na ba?"
"Hindi naman sa ganoon pero……"
"Sinabi ko na sa'yo dati pa. Kung ayaw mo na, pwede mo naman akong iwan. Kayang-kaya kong maghanap ng iba. Kung sawa ka na, then leave. As simple as that. Hindi kita pipigilan kung ayaw mo na."
Sa totoo lang, matagal ko nang gustong tumigil. Matagal ko nang gustong umalis. Pero may isang bagay lang kasi ang pumipigil sa akin. Iyon ay…
Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Charlene kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.
"Ano nang desisyon mo? Iiwan mo na ba ako?"
I sighed.
"No."
"Then good." humiwalay na siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Paano kung ikaw na pala ang may ayaw na sa akin?"
Ilang beses ko nang itinanong sa kanya ang tanong na iyan. Sa paulit-ulit kong pagtatanong sa kanya ng tanong na iyan, iisa lang din ang isinasagot niya sa akin.
"Don't worry. Hinding-hindi mangyayari iyan."
Dahan-dahan namang humiwalay sa akin si Charlene. May kinuha siya sa bag niya at iniabot iyon sa akin. Picture iyon ng isang babaeng nakangiti.
"Who is she?" tanong ko. Ngumiti naman si Charlene bago siya sumagot.
"She's Ramira Jace Delgado."
Tinignan muna ako saglit ni Charlene na para bang hinihintay niya ang mga ekspresiyong gagawin ko."Bakit mo naman pinapakita sa akin ang picture niya?"
"Because I want you to court her."
"Huh?"
Ngumiti muli si Charlene bago niya ako sagutin.
"Gusto ko ay ligawan mo siya at dapat mahulog ang loob niya sa'yo. Kapag nangyari iyon, ako na ang bahalang tumapos sa panibagong laro na 'to."
Seriously? Gusto niyang ligawan ko talaga siya?
"Ano bang plano mo?" tanong ko.
She waved her index finger to me then smiled.
"It's a secret."
Saglit ko pang tinignan ang picture. Mukha naman mabait siya. Mukha rin inosente ang babaeng nasa picture. Hindi ko lang alam kung paano siya nakilala ni Charlene.
"Kaya mo ba o maghahanap nalang ako ng ibang gagawa sa gusto ko?" biglang tanong ni Charlene sa akin.
Tinignan ko muna siya saglit bago ako sumagot.
"Okay. I'll do it."
"Good." sabi niya at bumalik siya sa mini bar upang ipagpatuloy ang pag-inom niya.
I looked at her intently. Charlene Cruz. The girl who always wanted to play the most complicated game that you can never imagine. She loves to manipulate with other's feeling. In this game, she is the master.
No one can stop her, not even me. She shows no mercy to her victims. She's too cruel and heartless.
I know. I'm so stupid to let her use me. But what can I do? I love her. That is my only way for her to keep me on her side.
I heavily sighed. The only thing I can do is to trust her. I'm willing to be her puppet in every game she plays as long as she's not willing to give me up.
I'm Aldrich Lucas Santos, and I'm her puppet.
YOU ARE READING
The Manipulator
Romance"Hindi ka naman masasaktan sa larangan ng pag-ibig kung kaya mong manipulahin ang nararamdaman ng puso mo." - Charlene Cruz