#10-"kami na"

297 25 18
                                    

~•~

~Mhikee's POV~


Medyo kinabahan na exited ako sa isa nya pang surprise. Para saakin ba talaga? Ngunit parang mas gusto kong madinig ang surprise nya ngayon kaysa kaganina.

Hays? Bakit ganto? Bakit ganto ka-abnormal ang tibok ng puso ko?

"Uy! Wag mo naman akong bitinin! Ano ba yung isa pang surprise mo?" Di ko mapakaling tanong. Baka ito na, Baka ito na yung araw na magtatapat na sya ng feelings saakin. Exited na ako!

"Wag kang mabibigla huh?" Tinanguan ko naman sya.

"Kami na!"masaya nyang sigaw.

Kami na!

Kami na!

Kami na!

Two words lang pala ang nakapag-pabagsak saakin.

"We-weh? Si-sino?"nauutal kong Sabi, ngumiti ako ng pilit. Sana Hindi sya. Please, sana Hindi sya.

"Si Andrea May Dela Rosa. Sinagot nya na ako. WOOOOOH!" sigaw nya pa. Ang saya nya. Sobrang saya nya.

Pilit ulit akong ngumiti at niyakap sya.

"Congratulations" bulong ko. May nagbabadyang luha na kaganina pa gustong lumabas pero... Pinipigilan ko.

"Dahil sayo sinagot nya ako! Dahil dyan ililibre kita! Kahit Saan!" Tumango nalang ako sakanya.

Pinatago nya muna saglit ang teddy bear na bigay nya saakin.

Bakit ganon? Nasasaktan ako?

"Huy. Tahimik ka ata?" Tanong nya.

"Ah,. Iniisip ko lang kung Saan tayo kakain." Palusot ko. Sana naman umubra.

"Ah. Kung sa mcdo nalang?"

"Okey"

Nag-order na sya at tahimik kaming kumakain. Bakit ba ganon? Bakit ba nasasaktan ako? Dapat masaya ako kasi... May girlfriend na yung best friend ko.

"Papaano mo sya na pa-sagot?" Pambabasag ko ng katahimikan.

Weird na kasi eh.

"Niligawan ko ng Isang linggo. Then boom! The feeling is mutual!" Masaya nyang sagot sabay Kain ng spaghetti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kita Bes (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon