Nightmare

9 0 0
                                    

"Kahit anong mangyari huwag na huwag kayong lalabas dito." Natatarantang sabi ng ginang sa kaniyang mga anak.

"Mommy bakit po?" Nagtatakang tanong ng isang bata.

"Basta kahit anong mangyari huwag kayong lalabas dito nagkakaintindihan ba tayo ley?nagkakaintindihan rin ba tayo rey?" Bakas sa mata ng ginang ang takot sa kung anong pwedeng mangyari pagkatapos ng araw na ito.

"Opo mommy." Sabi ng isang bata ngunit ang isa ay hindi kumibo.

"Basta tatandaan niyong dalawa mahal na mahal kayo ng mommy okay?. Mahal na mahal ko kayo kahit anong mangyari. Tandaan niyo si mommy gagawin niya ang lahat para sa inyo. Lagi niyong tatandaan ang mommy kahit anong mangyari lagi niya kayong babantayan." Umiiyak na sabi ng ginang sa kaniyang mga anak.

"Opo mommy hindi na po kami lalabas huwag ka lang pong umiyak tahan na mommy." Sabi ulit ng isang bata sa kaniyang ina.

"Hindi na iiyak si mommy, yakapin niyo nga si mommy para huwag na siyang umiyak." Bakas parin ang pag-iyak sa kaniyang mata ngunit pinilit niyang ipinapakita ang ngiti niya upang hindi mag alala ang kaniyang mga anak.

Lumapit ang dalawang bata sa kanilang ina at mahigpit nilang niyakap ito.

"Magpakabait kayo ha, rey bantayan mong mabuti ang kapatid mo, ikaw naman ley wag masyadong malikot. Mahal na mahal ko kayo kami ng papa niyo lagi niyong tatandaan." Pahayag ng ginang.

"Oo naman po mommy mahal na mahal po rin namin kayo." Sabi ulit ng isang bata.

"Oh sige na si mommy pupunta na dun." Hinagkang muli ng ginang ang kaniyang dalawang anak bago umalis.

Mula sa kanilang pinagtataguan kitang kita nila ang kanilang mga magulang kasama ang mga maraming lalaki sa kanilang sala. Nakita nila kung paano hablutin ng isang lalaki ang kanilang ina. Hinila ng lalaki ang buhok ng ginang at pilit niya itong hinawakan ng mahigpit. Nagpumiglas ang ginang sa hawak ng lalaki ngunit nagalit ito kaya nagpaputok siya ng isang beses na ikinabigla ng magkapatid. Mula sa kanilang pinagtataguan lumabas ang isang bata at tumakbo sa kaniyang ina. Hindi paman nakakalapit sa kaniyang ina ay binaril na siya ng isang lalaki. "Walang hiya kayo, anong ginawa niyo sa anak ko." Umiiyak na sabi ng ginang. Mula sa pinagtataguan ng isang bata nakulong ang hikbi niya sa kaniyang bunganga upang hindi siya marinig ng mga lalaki. Nakatakip ng mahigpit ang kanyang kamay sa kaniyang bunganga upang makasigurong hindi siya maririnig ng mga lalaki. Nakita niya kung paano binugbog ng tatlong lalaki ang kanyang ama. Binugbog nila ito ng walang kalaban-laban at pilit na inangat ng dalawang lalaki ang kaniyang ulo upang mapanood ang kahayupang ginagawa nila sa kaniyang asawa. "Walang hiya kayo huwag niyo siyang gagalawin papatayin ko kayo kapag nakawala ako dito." Naghuhumiyaw na sabi ng ama niya sa mga lalaki. Ngunit bagkus na matakot sila dito tumawa pa sila at binugbog muli. "Tama na, tama na." Umiiyak na sabi ng ginang. Sa harap mismo ng kaniyang ama ginahasa nila ang kaniyang ina. Pilit na kumakawala siya sa hawak ng mga lalaki ngunit sa tuwing nagtatangka siyang gumalaw ay sinusuntok lang siya. Hinang hina ang lalaki ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang pagkasuklam sa mga lalaking walang awang pinagpapasa-pasahanng binababoy ang katawan ng kanyang pinakamamahal na asawa. Matapos nilang babuyin ang katawan ng kaniyang ina binaril siya sa ulo na agad niyang ikinamatay. Wala siyang magawa upang matulungan ang kaniyang mga magulang dahil natatakot siya. Tanging iyak lang ang kaya niyang gawin. Nakita niya ulit ang pag-angat ng kamay ng isang lalaking may tattoo sa kamay at tinutok ang hawak niyang baril sa kaniyang ama at walang kakurap-kurap na pinutok ang baril.
Mula sa kaniyang pinagtataguan pilit siyang tumayo at piniling tumakas. Dahan dahan siyang naglakad patungong pintuan. Pagkarating sa pintuan unti unti niya itong binuksan at pagkabukas na pagkabukas unti unti siyang tumakbo hanggang sa bumilis ng bumilis ang pagtakbo niya. Nagawa niyang makatakas sa mga lalaking pumatay sa pamilya niya ngunit hindi niya magawang takasan ang bangungot na nagmarka na sa katauhan niya.

------------------------------------------------------
Author's Note
TWO SOULS IN ONE BODY heto po ang kauna-unahang story ko. Suportahan niyo po itong story. Pasensiya na po sa mga typos. Feel free to comment.

Two Souls In One BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon