Author's POV
"Hailey anak nanaginip ka nanaman". Nag-aalalang sabi ng kaniyang nanay.
"Mama napaniginipan ko nanaman iyong babaeng umiiyak, takot na takot siya mama, hindi niya magawang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Takot na takot siya mama. Takot na takot po siya". Umiiyak na sabi ni Hailey.
"Tahan na Hailey panaginip lang yan" Sabi ng kaniyang ina.
"Bakit parang totoo mama? Bakit ko siya napapanaginipan?" Humihikbing sabi ni Hailey.
"Panaginip lang yan Hailey. Matulog ka na ulit babantayan kita. Nandito lang si mama." Pagpapalubag ng loob na sabi ng kaniyang ina.
"Natatakot ako mama." Humihikbing sabi ni Hailey.
Kinabukasan maagang nagising si Hailey upang maghanda na sa kaniyang trabaho. Tinignan niya muna ang kaniyang ina sa kaniyang higaan ngunit wala na siya. Marahil maagang nagising upang magluto ng kanilang umagahan at makapaghanda ng maaga dahil pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan dahil magpapatulong siya sa paghahanap ng bagong trabaho.
"Mama pupunta ka ba kay antie Sally?" Pagtatanong ni Hailey sa kaniyang mama.
"Oo, may inerekomenda ang ante mo sa akin na pagtatrabahuan ko. Sasamahan niya ako mamaya sa kaniyang amo." Sabi ng kaniyang ina.
"Magkatrabaho kayo ma?" Pagtatanong ni Hailey sa kaniyang ina.
"Oo, Hailey okay lang ba sayo kung ang trabahong papasukan ko ay pagkakatulong?" Balik tanong ng kaniyang ina sa kaniya.
"Okay lang naman ma bakit mo pala natanong?" Sabi ni Hailey sa kaniyang ina.
"Sabi kasi ng ante Sally mo magisstay daw ako doon." Sabi ng kaniyang ina.
"Ano ka ba ma kung ako ang inaalala mo kaya ko po. Ma 26 na kaya ako." Natatawang sabi ni Hailey sa kaniyang ina.
"Ikaw Hailey, naku alagaan mo ang sarili mo dito habang nagtatrabaho ako. Kahit may trabaho ka huwag mong kakalimutan kumain. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Uuwi naman ako tuwing Sabado at babalik rin sa hapon ng Linggo." Pang-aaral sa kaniya ng kaniyang ina.
"Si mama talaga, ako pa ang inaalala mo. Si Rose Suarez ka talaga." Natatawang sabi ni Hailey sa kaniyang ina.
"Naman si Rose Suarez kaya ito." Natatawa ring pahayag ng kaniyang ina.
"Sayang kung nandito lang si papa. Kung di lang siya naaksidente mas masaya tayo sana ngayon no mama?" Sabi ni Hailey sa kaniyang ina.
Natigilan naman ang kaniyang ina sa sinabi ni Hailey sa kaniya. Hindi naman napigilan ng ginang ang dumaan na emosyon sa kaniyang mga mata ayon ang pagka-guilty at pag-aalala."Ma natahimik ka? May nasabi po ba ako na masama?" Pagtatanong ni Hailey.
"Ikaw talagang bata ka kung ano anong sinasabi mo. Sige ka baka nandyan na sa tabi mo ang papa mo." Pilit na pinagsigla ng ginang ang tono niya.
"Sana nga mama." Bakas sa mata ni Hailey ang pagka-miss sa kaniyang papa.
"Ikaw talagang bata ka kumain ka na diyan at baka malate ka pa sa trabaho mo." Pag-iiba ng kaniyang ina.
"Oo nga pala, maaga po kami ngayon ma ipapakilala daw ng Boss namin ang magiging bagong CEO po ng kompanya." Pahayag naman ni Hailey.
"Sige na aalis na rin ako upang maaga rin akong makakauwi dito sa bahay upang makuha ko ang mga gamit ko." Sabi niya sa anak niya.
"Sige ma mag-iingat po kayo." Sabi ni Hailey sa kaniyang ina.
Mabilisang kinain ni Hailey ang mga nakahain sa hapag dahil baka malate pa siya sa trababo lalo na't ipapakilala sa kanila ang bagong CEO ng kompaniyang pinagtatrabuhan niya.