- Shiro's POV
It was ... my little sister's 7th birthday. We all laughed, sang, and danced together joyfully. ALL TOGETHER, but something happened. May tumawag sa telephone number namin, ako yung sumagot dahil busy ang lahat. May nagsabi na ....
Naaksidente yung magulang namin....
Nagkaroon ng car accident sila Mommy at Daddy habang pauwi para makapunta sila sa bahay at surpresahin si Anna, pero kilala din siya sa pangalan na Mio, my precious love. Si Kyle yung nakaisip niyan, lyrics daw yan sa isang kanta.
Sinabi ko kay lolo tungkol kela Mommy at Daddy, hindi siya makapaniwala sa biglaang nangyari. Sinabi nalang niya, "Huwag muna natin ipaalam kay Mio sa nangyari, maaaring may masamang mangyari lalo na't kaarawan niya". I just nod for an answer. Pero dahil sa nalaman ko yun, pinigil ko yung sarili kong umiyak. Hindi ko kayang pigilan pero kailangan dahil kay Mio.
I'm crying ... inside my mind...
"Kuya! Asan po sila mommy at daddy? Makaka-makakauwi po ba sila?"Pahinto-hintong sabi ni Mio na may cookie na kinakain.
"Uhh..ano, hindi daw eh..madami silang ginagawa pero sigurado naman may regalo sila sayo." I just faked a smile.
"Nyyyuuu! Kuya!"-Mio
My little sister. She's so innocent. Patawad dahil hindi yan uubra para maibalik sila Mommy at Daddy. Di kita papabayaan ako magsisilbing Mommy at Daddy mo. Hindi kita iiwan hinding hindi kita hahayaang mag-isa.
"Mira! Klyde!" Sigaw ni Lola Faye na ikinagulat ng lahat na ikinatigil ng pagsasaya nila at dumiresto sa sala. Shitsu..no.
"Mommy?! Daddy?! Lola asan sila?" Masayang sumunod si Mio sa sala dala dala pa yung cookie niya. Lahat nagulat sa nakita nila sa telebisyon, biglaan ang pangyayari at nagtatakang bakit sa kaarawan pa ng kapatid ko nangyari ito.
"AH! Mio!" Paharang-harang ako sa tv nang hindi niya ito makita."Kuya? Bat yung picture nila mommy at daddy nasa tv artista na ba sila?" Tanong ni Mio na lumusot pa tabi ko. Bigla na lang umiyak yung mga tao sa loob ng bahay. Ako naman pinipigil ko..
"Oy Kuya? Bat sila umiiyak?" Hawak-hawak niya yung tshirt ko at nagmamakaawang malaman kung ano ang nangyari. Ugh.
"Kuya?! Why are you crying?" Napaiyak na ako sa sakit nang nawala na talaga sila Mommy at Daddy, masyado pa kaming bata para mawalan ng magulang. Bakit pa kasi ngayon pa? Mahigpit kong niyakap si Mio at humagugol na parang sanggol, hindi ko masabi kung ako ang itsura ko ngayon basta ang alam ko lang ay umiyak ng umiyak.
"Mio, Pakinggan mo ako ng mabuti ha?" Idinikit ko ang noo ko sakanya habang yung magkabilang kamay ko nasa pisngi niya at tumitig sakanyang mga mata. She needs to know
"Sasabihin mo.. sasabihin mo na Kuya kung bakit, bakit sila umiiyak?" Tumango ako at bumuntong hininga habang si Mio umaktong nababahuan sa hininga ko, ngumiti ako ng kaunti at niyakap muli siyang mahigpit."Alam mo na naman yung lugar kung saan si Tito Luis mo diba?" Tanong ko sakanya. "Umiiyak sila dahil nakita nila si Tito Luis nabuhay ulit? Ang galing naman ni Kuya Jesus!" Ano ba tong kapatid ko. Huwag ko muna kaya sabihin?
"Mio, apo ko.. Ang pinaparating ni Kuya Shiro mo, nandoon na sila Mommy at Daddy niyo. Magkasama na sila ni Tito Luis mo."Pagkaamin ni Lola Faye. Sinusubukan ni Mio na makawala sa pagkakayakap ko sakanya pero di ko siya napigilan sa sobrang paggalaw niya nakabitak ako at tumakbo na siya palabas. Ngunit may nakita akong sasakyan na palapit sakanya.
"ANNA!"Huminto siya at tumakbo na ako para sagipin siya, pero nauwi akong luhuan nang makita kong napahinto yung sasakyan ngunit umabot pa din sakanya, dobleng doble na ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko kung pati kapatid ko mawawala pa.
Dali naming isinugod siya sa hospital. Blanko ang nasa isip ko ngayon, masyado na ang nararamdaman ko. Sana hindi ko na lang sinigaw yung pangalan niya para tuloy tuloy yung pagtatakbo niya at maiiwasan niya yung sasakyan. Nakakainis!
Nakaraan ng ilang oras nakuha na naming yung resulta ng medications ni Mio. Buhay siya. Pero.
Ang sabi ng doctor may amnesia daw si Mio. Nanlumo ako sa nabalitaan ko pero nagpapasalamat pa din ako kay Kuya Jesus dahil binigyan siya ng pangalawang buhay na makakasama namin. Kung maaaring lang may time machine at ililigtas ko sila Mommy at Daddy hindi na sana mangyayari to at magiging masaya yung kaarawan ni Mio ngunit kabaliktaran yung nangyari.
Dumalaw si Kyle pagkatapos ng dalawang araw na naaksidente si Mio, he smiled like he's still talking, seeing, and singing to Mio. He once knew.
"Mio may kanta ako sayo, pakinggan mo ng mabuti at sana maalala mo to' kapag nagkita ulit tayo. Pupunta kasi kaming abroad kaya...eto lang naisip ko para maalala mo pa rin ako, okay?" Ngumiti siya. Pinapakita niyang mabuti na lang buhay ka pa.
"........."Hindi nagsasalita si Mio, tinitignan niya lang si Kyle at hindi umiimik. Walang emosyon ang nasa mukha niya. Blanko.
"Because first love is beautiful, a first love is a flower. Blooming widely when spring comes -- dazzling like a flower. Like a young child, a first love is unexperienced. Because you cant unconditionally give and take love. illa illa illa, illa illa illa, illa, illa my love good-bye.illa illa illa, illa illa illa, illa, illa my love good-bye.illa illa illa, illa illa illa, illa, illa my love good-bye." Nakita kong lumuluha na yung mga mata ni Kyle dito sa tabi ng bukas na pinto, alam kong mahirap na kalimutan ka ng babaeng kilalang kilala mo pero ikaw Kyle kinakaya mo pa rin.
"illa illa illa, illa illa illa, illa illa illa, never forget love" Pagkatapos ng pagkanta ni Kyle, pumasok na yung Mommy niya sa kwarto at sinundo na siya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Our Promise: The Voice of My Heart ♥ | REVISING | Dont read
Подростковая литератураSTILL ON REVISING. Chapter 1 to 9 Has been revised. "I'm loving someone who doesn't remember me."-Kyle Kyle is the name. Who loves a girl who doesn't knows me at all. And I'm willing bring her memories back using God's Gift, my voice. I love her. T...