Chapter ONE

1 1 0
                                    

"Nagugutom na ako." Nahihilong sambit ni dia sa sarili. Umupo ang bata babae sa gilid ng kalsada.
Napansin ito ni Aling ramona at naawa siya dito dahil tila hinang-hina ito habang nakahawak sa sikmura nito kaya tinawag nya ito ito at tinanong, " iha, may maitutulong ba aqo? Mukhang may sakit ka ah? Nasan ba ang nanay mo?"

Lumapit ito sa kanya, "wala po akong nanay, palimos po ako ng pagkain pakiusap po nagugutom po ako" sagot ni dia sa babae,

naaawang inabutan siya nito ng ng tinapay at tubig, "nakakaawa ka naman iha, napaka ganda mo pa naman baka mapahamak ka pa sa kalsada niyan, kung gusto mo ako nalang mag-aalaga sayo, wala kasi akong anak mag-isa nalang kasi ako sa buhay." Alok ni ramona kay dia at hinaplos ang buhok ng bata.

napahinto si dia sa pagkagat ng tinapay at nanlalaki ang mata na nag-angat ng mukha saka tumingin kay aling ramona at di makapaniwala sinabi,"talaga po? may pagkain na tapos magiging nanay ko po kayo!? hindi ka po ba nandidiri sakin kasi marungis po ako?" naguguluhang tanong ng batang si dia.

naaaliw na hinaplos ni ramona ang makinis na pisngi ng bata."hindi ako nandidiri sayo, at maganda ka pag nalinis na kita kaya araw araw na kitang paliliguan para hindi ka na maging marungis, ayos ba sayo? anak?." malambing na tanong ni aling ramona kay dia. tuwang tuwa na yumakap
si dia kay ramona.

"yehey! meron na po akong mama! pwede ko po ba kayo tawagin na mama?."masayang tanong ng bata kay aling ramona.

"maraming thank you po! mama pangako magpapakabait po ako, at tutulong po sa iyo mama." naluluhang bigkas ng bata sa kanya.

"o wag kana umiyak, masaya din ako dahil hindi na ako mag-iisa, wag mo akong iiwan ha!?." nakangiting pinunasan ramona ng panyo ang basang pisngi ng bata dulot ng mga luha nito at muling ibinalik s bulsa ng daster nito ang panyo at naupo sa bakanteng silya sa tabi ng bata.

maya maya pa ay nagdagsaan na ang bumibili sa kanya ng balot at penoy kaya ng sumapit ang alas siete' ng gabi ay naubos agad ang dalawang basket ng balot at penoy na noon lang nangyari kaya naman tuwang tuwang si aling ramona at dia.

"naku, ang swerte ng araw na to' halika na anak uuwi na tayo." sabi ni ramona sa bago nyang anak ngunit laglingon nya ay napangiti siya dahil nakayukyok na sa lamesita ang bata at namumungay ang sa antok, marahan niya tinapik ang pisngi ng anak ,

" anak , halika na uuwi na tayo." at natawa siya ng bigla kumulo ng malakas at matunog ang tiyan ng anak kahit namumungay ang mga mata nito sa antok.
tumayo na ang bata at hawak-kamay na binagtas ng ng mag-ina ang daan patungo sa gitna ng gubat kung saan nakatayo ang bahay-kubo na tinitirahan ni aling ramona at pagkaraan ng kalahating oras na paglalakad narating nila ang bahay nauna si aling ramona sa pagpasok sa loob at kasunod niya ang ang anak-anakan sa loob.

Diamond's TearsWhere stories live. Discover now