Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos. Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng noli sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes. Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila. Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.