Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiram ng langis sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salve ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.