Who's that girl? (7)

13 3 0
                                    

Drew's POV

Chealsea Cu sino ka ba talaga?

Ngayun lang nagsink sa akin ang lahat-lahat ng nangyari. Panaginip lang pala ang lahat at hindi totoo ang mga nangyari. Pero kung ganun ngayun, sino siya? At bakit magnonotification yung twitter ko hindi ko naman finafollow o follower yun? Ugh. Sumasakit yung ulo ko kakaisip!

"Kuya! Ano ba?! Kakain ka ba o kakain?! Lumalamig na yung niluto kong munggo!" rinig kong sigaw ng kapatid kong si Yannie sa ibaba. May second floor kase itong bahay namin. Nasa second floor ang kwarto ko at katapat ko yung guest room at katabi naman ng kwarto ni Yannie. At nasa baba naman yung sala kung saan nandoon ngayun si Yannie.

"Oo, papunta na po!"sigaw ko pabalik at naglakad na pababa papuntang sala. Minsan hindi ko talaga maintindihan kung sino ba talagang mas matanda sa amin ni Yannie dahil sa aming dalawa sya lagi ang nasusunod at sya rin ang mas mature ang isip. Pero sa aming dalawa sya ang type na pipiliing makipagsocialize sa kung kasinu-sino habang ako naman yung type na mahilig magsulat at magbasa. Pero syempre may panahon din ako sa mga kaibigan ko pero hindi oras oras kasama ko sila kagaya nya.

Pagdating ko sa sala nakita ko yung kapatid kong lumalamon ng paborito nyang Tsokolate. Ang aga aga puro matatamis ang kinakain. Isa pa na pagkakaiba naming ay ang mga hilig naming sa pagkain sya mahilig sya sa matatamis, gaya ng tsokolate at mga candy. Ako naman gusto ko yung mga pagkaing maaalat gaya ng mga junk foods. Pero pareho kaming mahilig kumain ng mga Street Foods.

Busangot na mukha ang ibinungad nya sa akin ng makitang nandito na ako sa sala.

"What?" tanong ko sa kanya. Pano kase ang lungkot lungkot ng mukha nya.

"Paano kase kuya ang tagal mong bumaba. Ayaw mo na ba sa luto ko?" malungkot na tanong nya sa akin.

Hayst yun lang pala akala ko kung ano nang nangyari. Kahit gaano kase kamature at ka bossy yan, eh may pagkachildish yang tinatago.

"Sus, ang sarap kaya ng luto ni bunso! Bakit naman aayaw ako?" sabi ko sa kanya at niyakap sya habang pinapat yung ulo nya. Ganto talaga kaming magkapatid. Wala naman kase kaming ibang aasahan kundi kami kami lang din maliban sa mga kaibigan namin. Yung mga magulang kase namin nawawala. Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit sila nawawala dahil wala ni isa na nakuha ang mga imbestigador na dahilan o ebidensya kung bakit sila nawawala. Ang pinakahuli ko lang silang nakasama ay yung 8 taon palang ako at 6 years old naman si Yannie. Nakitulog ako sa kwarto nila dahil di ako makatulog pero pagkagising ko sa kinaumagahan ay wala na sila. Nawala sila ng parang bula. Wala niisang bakas ng pag-alis na naiwan o kung ano paman.

Bumitaw na sa yakap si Yannie at hinarap ako.

"Kuya, may gagawin ka ba bukas?" Nangiting tanong sa akin ni Yannie.

"Wala naman, bakit? May kailangan ka?"

"Wala lang, pwede ka bang sumama sa amin ng mga kaibigan ko pupunta kase kami sa concert. Nilalagnat kasi si Misty eh kaya hindi sya makakapunta. Kaya ikaw na lang muna ang pumalit sa kanya."

"Sige, tutal wala naman din akong gagawin."

"yey! The best ka talaga kuya!" nagtatatalon sya dun at niyakap ako tapos nagtatatalon ulit.

"Sige, kuya kita nalang tayo mamaya aalis ako eh."nagwave sya sa akin at tuluyan nang umalis dala yung kotse nya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit sya may kotse eh wala naman kaming magulang. Mahilig kase akong magdrawing. Yung mga ipinipinta ko ay dinadala ko sa may auction. Medyo nakagawa na rin kase ako ng pangalan sa larangan ng sining kaya malaki ang kinikita ko.

Naligo na ako at nagpalit ng damit. Nagdrive ako papunta sa art studio ko na ipinatayo pa ng isang mayamang amerikano na sobrang nagustuhan yung artwork ko. Pagkalabas ko sa garahe automatic itong sumara. Nagdadrive ako sa may street ng namin, when something caught my eye. There is a red Ferrari na sasalubong sa akin pero ang nagdadrive ang mas lalong kumuha ng atensyon ko. Ang ganda nya, oo. Pero parang nakita ko na sya noon hindi ko lang maalala kung saan. Yung buhok nyang straight na sumasabay sa ihip ng hangin at ang mapula nyang mga labi na na nagbigay kulay sa kanyang maputlang kutis. Lahat ng bagay sa kanya ay parang pamilyar.

Bigla akong napahinto ng may isang Shih Tzu na mukhang naliligaw ang tumawid. Hayst muntik na yun. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung huminto rin yung Ferrari. Bumukas yung pinto at bumaba yung babae. Sunundan ko sya ng tingin habang naglakad sya papunta sa aso at tinignan kung may dog tag sya. Nang wala syang makita binuhat nya ito at sinakay sa sasakyan nya. Tapos nagdrive na sya paalis pero bago sya umalis ay tinapunan nya ako ng nagtatakang tingin. Siguro nagtataka sya kung bakit nakanganga ako dahil sa pagkamangha sa kanyang pagkamatulungin sa aso. At pati na rin siguro sa pagtitig ko sa kanya.

Hayst siguro iniisip nya na isa na akong baliw at manyak. Napakamot ulo na lang ako dahil sa frustration. (-__-)7

Makaalis na nga at tapusin yung nirequest sa akin ni Mr. O' Henry.

Matext nga si Yannie at masabing hindi ako kakain sa bahay mamayang gabi dahil tatapusin ko pa yung artwork ko.

Hinalungkat ko yung bag ko nang may makapa akong bilog. What is this? I don't remember putting something with this kind of texture and round shape.

Inilabas ko ito at tinignan ng mabuti.

"Dream Catcher? Bakit naman ako magkakaroon ng ganito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon