Nagising ako dahil sa ingay ng music sa labas...
Pumunta ako kung saan nanggagaling ang music.. Sa salas pala at nandun sina Tita Veron at si Zhia. Buti naman naisipan ni Zhia na bumisita rito..
"Hi girl."bati ni Zhia at hinug ako..
"Girl, kumusta ka na?"tanong nya at nginitian ko lang sya. Wala akong ganang sumagot.
"Alam mo girl ang sweet ni Alvin nung 5th monthsary namin binigyan nya ako ng napakaraming bulaklak at chocolates.Nagsulat pa sya ng isang napakataas na letter para sa akin. Sweet di ba?"kwento pa nito.. Ang daldal talaga ng babaeng to.
"Okay ka lang girl?"biglang tanong nito.
"Stop calling me girl."pagsusungit ko .Ayokong tinatawag nya akong girl, Hindi naman talaga kami super close tulad ni Andrea..
"Okay.Boy"sabi nya sabay nakakaasar na ngiti. Sinamaan ko sya ng tingin.Pati ba naman sya tatawagin rin akong boy.?
"Kain na tayo mga bata."tawag ni Tita Veron. Pumunta naman agad kami ni Zhia sa kusina..
"Mom ,Hindi na po kami bata.."sabi ni Zhia nang makarating na kami dun.
Umupo na agad kami para kumain.
"Kumusta na pala kayo?"tanong ni mommy kay Tita Veron.
"We're super okay naman po."biglang sagot ni Zhia.. Kahit kailan talaga Zhia..
Sinamaan ng tingin ni tita si Zhia.
"Ako yung kinakausap."sabi ni tita kay Zhia..
"Sorry mom."nakangiting sabi ni Zhia..
"Eh kayo,kamusta?"tanong ni tita..
"Eto buhay parin."parang pang-aasar na sagot ni Mommy..Tsk..
Mommy talaga..."Wala ka bang pasok ngayon Ave? "
Tanong ni mommy.Oo nga pala Monday na ngayon.. Dali-dali along kumain tas pumunta na ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos Kong maligo ay nagbihis na ako agad ng uniform then bumaba na ako..Pagdating ko sa baba nadatnan ko sina mommy at tita na nagtatawanan..
"Alis na po ako."paalam ko Kay mommy.
"Mag ingat ka."sabi ni mommy.
"Bye girl."--Zhia
Ewan ko sayo Zhia, ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mokong tawaging girl?
Hindi ko nalang sya sinagot at lumabas na ako..Naglakad lang ako papuntang school malapit lang naman kasi samin yumg school namin at baka mas matagalan along makarating sa school pag naghintay pa ako ng motorsiklo dito. Ayaw ko rin namang magpahatid sa driver namin..
Maya-maya'y nakarating nako sa gate ng school namin at nadatnan ko si Jack na nakasandal sa pader.Sa malayo sya nakatingin at parang may hinihintay.. Napansin Kong nakatingin na pala sya sa akin kaya iniwas ko naman agad ang tingin ko.. At naglakad na papunta sa room namin.
YOU ARE READING
Love Cycle
RandomWala po akong masabi sa story na to. Basta basahin nyo lang po . That's all, thank you😘😍