(Ang dilim...) Ang lamig ng paligid...
"...Pabayaan mo na lang ako..." Isang boses ang aking narinig sa gitna ng dilim.
(Teka...Nasaan ba ako?)
"Sige na, Shin! Smile~!" Isa pang boses ang aking narinig, hanggang sa may nakita akong lalaki at babae sa aking harapan.
Nakangiti ang lalaki at ang babae naman ay hindi, umiiwas siya sa camera.
(Ako ba...iyon?)
Biglang gumulo ang paligid at ito'y umikot ng umikot na pakiramdam mo nahihilo ka. Nag-iba ang paligid ko, punong-puno ng mga lantern ang mga poste sa gita ng gabi. Hanggang sa may narinig akong na parang may gumugulong sa simento. Hinanap ko ang bagay na iyon, isang sing-sing.
Pupulutin ko na sana kaso may nauna na sa akin.
(...! Teka--Ako ba ito?!)
Pinulot niya--hindi...pinulot ng babae na kamuka ko ang sing-sing nang biglang...
"Shin! Ilag!!" Ang sigaw ng lalaki sa babae. Nagulat ako nang biglang may sasakyan na papunta sa akin.
Hindi ako makagalaw sa takot, hindi ko alam ang gagawin. Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa may tumulak sa akin.Napaupo ako sa tabi ng kalsada nang mabangga ang taong nakaligtas sakin. nagulat ako sa nangyari nang...
"...A-Ah...Aah..." Ang babaeng kamuka ko naman ang nakaupo sa harapan ko. Nakatitig siya kay...
(...?! S-Sino...Sino yung nasagasaan...?!)
"...S-Su...Subaru...?"
----------------------------------------------------------------------------
"....Ah...!" Bigla akong napabangon sa higaan ko.
(...Isang...panaginip?)
Habang ako'y hinihingal, tinignan ko ang paligid ng kwarto ko.
"...T-Tama...panaginip lang nga..." Umalis ako sa aking higaan at pumunta sa banyo. Parang kahapon lang...lagi naman ganito yung ginagawa ko sa paggising ko. Pumasok ng banyo, maghilamos ng mukha, magsipilyo, maligo, magsuklay ng buhok, at siyempre pumasok ng school. As always naman...walang pagbabago.
Pagkatapos kong maligo, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"S-Shin? Are you up na ba?" Isang boses na hinding-hindi ko makakalimutan...
(Si Subaru...)
Binuksan ko ang pintuan para makita ko ang nakakainis na pagmumukha niya.
"Ah! Gising ka na pala, good morning." Ngumiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Saving You Through Time: The Ring of Time
Fantasy"The Past"...isang bagay na hindi mo kayang baguhin at balikan. Lahat ng mga bagay na nangyari at nagawa na ay hindi mababago pa. "The Present"...isang bagay na maaari mo pang gawin at mabago hanggat hindi pa ito napupunta sa 'nakaraan'. Lahat ng...