1 : Movie Date

0 0 0
                                    

Ahyanna's POV

Sarap ng tulog ko... Anong oras na ba?

10:30 na.

Oh no, lagot nanaman ako kay mama. Ayaw na ayaw kasi niya na late na ako nagigising...

"Nako! Lagot talaga sa akin si Ayhanna Ortegas!" malakas na sabi ni mama.

Kakasabi ko palang! Ano na gagawin ko? >.<

Pumasok si mama sa kwarto ko. Eto na...

"YHANNA!" sigaw ni mama.

"Alam ko na po ma, sorry po." sabi ko. Masarap nga yung tulog ko, ang sama naman nung gising ko. --__--

"Ano nanaman ang nangyari sayo, HA?!"

"Sorry po talaga, mama. Nakalimutan ko po kasi iset yung alarm ko kagabi." sabi ko.

Napabuntong-hininga nalang si mama. "Okay, basta sa susunod na mangyari 'to, maga-grounded ka na talaga for 3 weeks!" salamat at yun lang...

"Anak, na sa baba pala si Kinn. Ayusin mo muna yung sarili mo bago ka bumaba." pagkatapos niyang sabihin yon, bumaba na si mama. Sobrang strict at napaka-taray nung mama ko noh?

Nasa baba si Kinn?

Ang bilis ko naman makalimot. Oo nga pala, movie date namin ngayon, kaming dalawa lang. Lagi kaming ganito, kulang nalang, langgamin kami.

Naligo ako, nagsepilyo, 'tas bumaba. Pinaghintay ko nanaman si Kinn. Ang sama ko talaga. Hahaha!

"Yah! Bakit ang tagal mo!" binato niya sa akin yung throw-pillow na katabi niya.

Ganyan kami mag-asaran. Parang mga baliw.

Binato ko din sa kaniya yung unan tapos umupo ako sa tabi niya.

"Ang mga magaganda, sila ang mga nalalate, hindi sila yung naghihintay." pang-aasar ko.

"Kaya nga eh! Pinaghintay mo ako sa ganda kong to!"

Ano kamo? Jk. Totoo naman na maganda sya. Pero mas maganda pa rin ako. Bwahahaha!

"Muntik na akong masuka." sabi ko.

"Loka! Tara nga!"

Biglang tumunog yung tyan ko. Di pa ako kumakain >.< and everyone knows how important food is to me!

"Diet ata si taba ahhh... Bakit di ka kumain?" tanong niya. Nag-pout nalang ako.

"Yah! I'm not fat! I'm just chubby, hehe."

"Jinjja?! Ang takaw-takaw mo nga eh! Tas ayan oh!" hinawakan niya bigla yung tiyan ko. (jinjja = really)

"Yah! Hajima!" (hajima = stop) natawa nalang siya.

"Tara na nga! Libre nalang kita mamaya. Bye po, tita Yam! Thank you po ulit!" paalam ni Kinn kay mama.

"Bye Kinn! Bantayan mo si Yhanna, baka magpakasawa nanaman sa pagkain. Ingat kayo!" sabi ni mama. Oo na! Ako na yung matakaw at mataba. Magstart na kaya ako magdiet, haha.

"It's confirmed, matakaw ka nga talaga. Ano ba gusto mong kainin, ha taba?" sabi niya sa akin. Grabe, halos lahat na ata ng tao dito, sinasabing matakaw ako. Edi kayo na yung maraming alam!

"Wala! Fishball nalang, di pa naman ako masyadong gutom." huhhh? Eh, gutom na gutom na kaya ako! "Basta marami, okay?"

"Takaw mo! Magdiet ka! Hahaha!" asar niya.

"Ano ba gusto mong panoorin?" tanong ko.

"Fifty Shades of Grey, pwede na ba? Haha!" loka talaga tong si Kinn. GM nga si bes. Hahaha! Natawa ako.

Friendship Is My Type Of LoveWhere stories live. Discover now