Kinn's POV
Nasa mall kami ni tita Yam at ni Carlos. Talent Day kasi ni Yhan ngayon sa music school niya.
"A round of applause for Laila Bituin." nagpalakpakan yung mga tao tapos nagperform na yung 'Laila'.
Tiningnan ko yung listahan nang mga magpeperform.
Susunod na si Yhanna! Hinanap ko siya. Wala siya, sigurado akong nasa backstage yon, kabadong kabado. Lagi siyang ganiyan kapag may event.
Natapos na din sa wakas si Laila.
"Our next performer is Ayhanna Ortegas. Please put your hands together for Ayhanna!" tapos nagpalakpakan.
Umakyat sa stage si Yhan.
Oh.
My.
Gosh.
Ang ganda niya. Shete. Sobrang ganda niya.
Naka-black dress siya na may mga sequins, kaya parang kumikinang-kinang yung suot niya. Kulot yung buhok niya at nakatali ng pataas, parang bun, pero mas maganda. Tapos naka high-heels siya na puti, ewan ko lang kung ilang inches - pero tumangkad siya ha... May necklace siya na kulay silver at nagmamatch yon sa earrings niya. Ang ganda talaga niya ngayon! Ayan ang best friend ko!
Bigla siyang nagsalita.
"Good afternoon po sa inyong lahat. Ang saya saya ko po ngayon because I got this chance to perform in front of all of you. Uhmmm... May gusto lang po sana akong sabihin."
Huminto siya ng sandali, tapos nagsalita ulit.
"I want to dedicate this song to my best friend, Kinn." tumingin siya sa akin, tapos ngumiti. "Si Kinn, hindi siya... Let's say, hindi siya normal." hindi ko napigilan na tumawa. Kahit nagspispeech siya, hindi pa rin siya seryoso. That's one of the things I love about her. "Why? Kasi simula nung dumating siya sa buhay ko, binago niya ang lahat. She showed me that you don't need a boyfriend to love and be happy. She changed everything. She made everything dark and dull in this world colorful again. Masaya ako kasi nakilala ko siya."
"Kinn, para 'to sayo." pagkatapos noon, umupo siya sa harap ng piano, inayos ang mic, at may tinugtog na kanta. Teka, parang alam ko yung kantang to!
It's...
Sad Song - We The Kings ft. Elena Coats
Parang may anghel na kumakanta...
"You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky,
With you I'm alive,
I call the missing pieces of my heart they finally collide."
Sobrang ganda ng boses ni Yhan. Iiyak na ako. Kinakanta niya yung Sad Song, para sa akin? I can't believe this!
Natapos si Yhanna kumanta at nagbow. Palakpakan ang audience, yung iba, nagwi-whistle pa. Tapos, biglang nag-standing ovation sila.
"Best friend ko yan!" sigaw ko. Hindi napigilan nina tita Yam at Carlos na tumawa.
Tumakbo ako papunta kay Yhanna. Pagkadating ko doon, yinakap ko siya agad at bigla akong napaiyak.
"Bhe... Di... Ako... Makahinga..." sabi niya.
Tumingin ako sakanya at medyo namumula na yung mukha niya. Natawa nalang ako. Ano ba to! Umiiyak tapos tumatawa, baliw nga ako. Haha!
"Taba, salamat sa lahat ng yon ha..." sabi ko
"Gwaenchana! I really wanted to do that for you, we're BFFs, diba?" (gwaenchana = it's ok) malambing niyang sinabi sa akin.
"Kamsamnida, tsaka, himala, hindi ka ata nagtatampo ngayon nung tinawag kitang 'taba'." (kamsamnida = thank you)
"I learned that even if truth hurts, we should all learn to accept it and move on." anyare dito?
"Hoyyy, taba! Ano nanaman yang nakain mo at naging ganyan ka, ha? Takaw mo kasi ehh!" biro ko.
"Ano ba yan! Seryoso nga ako tas magbibiro ka pa!" nag-pout nalang siya bigla. Fowtah, ang cute niya kapag ganito siya!
"Yah! If you're gonna be like that, hindi na kita ililibre ng ice cream!"
"Aish! Fine! Bilis! Okay na ako! Libre mo na ako ng ice cream!" pagpipilit niya. Loka talaga toh!
"Oo na! Ikaw na talaga!" sabi ko.
Dinala ko siya sa Jollibee, tapos doon kami bumili ng ice cream. Wala kasing Dairy Queen dito...
--__--"Oh, masaya ka na? Linibre na kita ng ice cream?" sabi ko
"Opo, ate." sagot niya sa akin.
Pagkatapos namin kumain, bumalik kami doon sa may stage.
Magaaward na sila. There are 6 awards :
Best Pianist
Best Guitarist
Best Drummer
Best Singer
Best Duet (Student & Student)
Best Duet (Student & Teacher)Wala silang pake sa mga 'Best Costume', etc., etc., hindi sila ganoon. Music school kasi.
Nagstart ng magaward.
Ang mga nanalo :
Best Guitarist - Nikka Reyes
Best Singer - Ollie Benedict
Best Drummer - Karl Fluentes
Best Duet (S & S) - Karla Reyes & Kyle Buenaflor
Best Duet (S & T) - Lorraine Crisologo & Ms. Cristine SanchesLast na... And it's the Best Pianist award...
"And the Best Pianist award, goes to..."
"Laila Bituin!"
"Wait... ANO DAW?!" gulat na gulat ako. Excuse me?! Ang galing galing ni Yhanna tumugtog ng piano, tapos eto lang mangyayari?!
Sino ba yung Laila na yon?
Hinanap ko yung nagperform kanina.
Nakita kong papunta si Yhanna sa amin. Tumakbo agad ako papunta sa kaniya.
"Yhan, balik tayo doon! Siya ang nanalo at hindi ikaw! Parang ewan naman kung magtugtog ng piano yung babaeng yon! Narinig mo ba?! As in! Hindi ko maintindihan kung anong kanta ang tinutugtog niya! Malamang, binayaran niya yung school para siya ang manalo sa Best Pianist award!" pagpipilit ko. Hindi ko pa rin kasi matanggap na hindi si Yhanna ang nanalo eh..
"Loka! Award lang yun! Pabayaan mo siya kung binayaran niya yung school. Mga NAGMAMAGANDA lang naman ang mga gumagawa noon. Tsaka magkakaroon pa tayo ng kaaway kapag ginawa natin ang gusto mo..." paliwanag niya. "Gusto ko din lang naman tumugtog ng piano at kumanta doon sa stage na yon para sa inyo nina mama."
Narinig niyo yan? Yan ang best best best best BEST FRIEND KO! Hindi siya fake. I know that kasi I've known her for 8 whole years now. Ever since that day na nakilala ko siya sa may tindahan ni tita Chui, naging other half ko siya. I'm so happy that I have her as my best friend.
Never ko siyang sasaktan. That is a promise I'm willing to keep.
YOU ARE READING
Friendship Is My Type Of Love
NezařaditelnéFebruary 05, 2017 Isang storya tungkol sa dalawang babaeng kapatid na ang turing sa isa't isa. Pero paano na kaya kung masira ang friendship nila? Meet Ayhanna Ortegas and Kinn Cruz. Parehas silang simple lang. Parehas silang hindi maarte. At pareha...