Part 2

50 0 0
                                        

Ako pala si Dina isang babae na ang nais lang ay mahalin din ako ng lalaking mahal ko..

Para sa akin ang pag-ibig ang s’yang nagbibigay sa mga tao ng pag-asang mabuhay..

Pag-ibig rin ang nagpabago sa akin… Nagpabago ng pangmalas ko sa buhay…

 Kaeskwela ko sya.. nakakalungkot man hindi niya ako kilala..

Madalas ko syang makita sa aming paaralan… nang una ko s’yang makita biglang tumibok ng mabilis ang puso ko na parang sinasabi nito na siya ang lalaking aking iibigin…

Lagi nga akong tinutukso ng mga kaibigan ko sa tuwing daraan na siya..

Pero kahit sulyap lang niya hindi ko nakita… Mahirap para sa akin ang umibig sa lalaking  hindi ako kilala..

Pero sa kabila noon hindi ko maiwasan na mahalin s’ya…

Kaya minsan kahit malayo ang silid-aralan niya sa aming silid-aralan…

Pinipilit kong dumaan doon upang masulyapan lamang s’ya at umaasa na ako’y kanyang batiin..

Ngunit sa tuwing dumaraan ako doon kabiguan lang ang nararamdaman ko…

Ni minsan hindi niya ako kinausap o nginitian man lang…

Pero sa kabila noon hindi ko magawang tumigil na mahalin siya..

Ewan ko ba..ano ang nakita ko sa kanya at ganito ko s’ya kamahal…

Isang araw habang papasok ako sa aming paaralan nagulat ako nang makita ko s’ya sa gate na para bang may inaabangan..

Naisip ko noong pagkakataong iyon na kausapin s’ya pero habang papalapit ako sa kanya tila nahiya ako…

Kaya hindi ko na naman siya nakausap…

Kaya kinabukasan, dumaan ako sa kanilang silid-aralan at umasa na makikita ko s’ya..

Hindi nga ako nabigo at nakita ko s’ya… Sinubukan kong kausapin siya pero pinangunahan na naman ako ng hiya…

Kaya umuwi na lamang ako ng bigo.. Ngunit habang papauwi ako may narinig ako na isang malakas na kalabog…

Kinabahan ako…

Kung kaya’t lumingon ako..

At sa aking paglingon nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko na nag-aagaw buhay…

Biglang tumulo ang luha sa aking mga mata at dali-daling nilapitan siya at niyakap…

Sabi niya, “Dina..Dina..ikaw ba yan?”..

Nagulat ako dahil kanyang alam ang aking pangalan…

Kaya’t sagot ko, “Oo, Billy ako ito?”..

Hindi ko napigilan ang labis na pag-iyak…

“Dina, napakasaya ko at sa wakas nakausap din kita..Dina, tanggapin mo itong sulat.”ang sabi niya.

Kung kaya’t kinuha ko ito..

At kanyang sinabi na,” Dina alam mo ba kung gaano ako nahirapan na maiabot iyan sa’yo..Kaya napakasaya ko at sa wakas naibigay ko iyan sa’yo…Dina ma- - ma- -…”

At bigla na lamang siyang nawalan ng buhay..

Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko noong panahon na iyon…

Hindi na ako nakapagsalita at pag-iyak na lamang ang aking nagawa…

Makalipas nang ilang araw aking binasa ang kanyang sulat…

At aking ikinagulat ang laman nito…Habang binabasa ko ito patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata…

Doon ko nalaman ang pag-ibig sa akin ni Billy…Hindi ko maiwasan ang magsisi..

Dahil kung maaga pa lamang at ipinaalam ko na sa kanya ang nararamdaman ko siguro’y hindi ito mangyayari sa kanya…

Pero tulad ng sinabi ko pangarap kong mahalin din ako ng lalaking mahal ko..

Natupad nga ito ngunit huli na ang lahat ng aking itong nalaman….

Kaya para sa akin ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung gaano katagal ang pinagsamahan niyo at sa kung gaano karami ang masasayang ala-ala niyo sa isa’t isa…

Sa halip, kung ano ang makakaya mong gawin para sa minamahal mo..at kung sa gaano mo kayang magsakripisyo para sa kanya.. At kahit wala na siya kaya mo pa rin siyang mahalin hanggang sa wakas…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim na Pagtingin Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon