Lihim na Pagtingin Part 1

73 0 0
                                    

LOVE apat na letra pero ang laki ng ibinago sa buhay ko..

Hindi ko akalain na matatamaan ako nito.. Noon tinatawanan ko lang ang mga kaibigan kong in love..

Pero ngayon tila ako naman ang nakakaranas nito.. Ako pala si Billy, isang simpleng lalaki lang..normal naman ako pero sa tuwing nakikita ko s’ya para bang nagiging iba ako...

Labis ang tuwa ko kapag nasisilayan ko ang mala-anghel n’yang mukha..

Sa tuwing dadaan s’ya sa tabi ko parang tumitigil ang mundo ko..ewan ko ba ang lakas ng tama ko sa kanya…

Ilang beses ko s’yang sinubukan na kausapin pero talaga atang torpe ako.. Sa tuwing susubukan kong kausapin s’ya tila umuurong ang dila ko…

Isang araw gumawa ako ng sulat para sa kanya, doon ko binuhos lahat ng nararamdaman ko para sa kanya… Napagpasyahan ko na ibibigay ko ito kinabukasan sa kanya….

Haaayy…nang gabing iyon hindi ako nakatulog sa sobrang kaba hanggang sa inabutan na ako ng araw at dali-daling pumasok sa paaralan..

Nag-abang ako sa gate ng aming paaralan upang maiabot sa kanya ang sulat na aking hawak-hawak…

Makalipas ng ilang minuto kong paghihintay, sa wakas paparating na s’ya..

Aking nasisilayan ang isang anghel na papalapit sa akin…

Malapit na s’ya…malapit na s’yang dumaan..handa na ako noon na ibigay sa kanya ang sulat..

Ngunit habang papalapit s’ya ng papalapit  tila lalong bumibilis ang tibok ng puso ko…

Kung kaya’t ng s’ya ay malapit na naduwag na naman ako…hindi ko na naman nabigay ang sulat…pinalagpas ko na naman ang pagkakataon…

Nang mga panahong iyon inis na inis ako sa sarili ko.. Sa tuwing may dumarating na pagkakataon na maipagtapat ko sa kanya ang pag-ibig ko heto naman ako sinusumpong ng katorpehan…

Kailan ko kaya s’ya malalapitan?..Kailan ko kaya masasabi sa kanya itong nararamdaman ko?.. Ito ang mga tanong na laging naglalaro sa aking isipan…

Kaya napagpasyahan ko na bukas na ako kailangang magtapat sa kanya..

Kaya ako ay natulog ng may ngiti sa aking mga labi..

Kinabukasan…kinakabahan na naman ako ngunit aking pinaglabanan ito at kaagad-agad na bumangon at pumasok sa paaralan…

Ito na..Ito na ang pagkakataon na matagal ko nang hinihintay….

Papalapit na syang muli sa akin at bumilis na naman ang tibok ng puso ko…

Ngunit  hindi ko na naman naibigay sa kanya ang sulat…Pinangunahan na naman ako ng takot…

Katatapos lang ng klase…. Papauwi na ako nang makita ko s’ya..

Nang pagkakataong iyon sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko nang maibigay sa kanya ang sulat kung kaya’t hinabol ko s’ya…

Nang biglang may nakita akong liwanag…

Liwanag na tila nakakasilaw… Isa pala itong malaking sasakyan na s’yang bumangga sa akin…

Nawalan ako ng malay at para bang biglang may yumakap sa akin ng mahigpit…

Lihim na Pagtingin Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon