Chapter 5 - Whirlwind

15.5K 316 11
                                    

Si Jasmine and Hailey ay ilan sa mga nakakaalam kung ano talaga ang totoong nangyari samin ni Ross. Ilan beses na din sila dumalaw dito sa Florence, Italy.


"Hailey? Napatawag ka? May problema ba?" sagot ko phone habang pupungas pungas pa.

"Bes!!!! May babalita ako sayo!" tili ni Hailey sa kabilang linya.

"Hoy, Hailey. Tulog pa mga manok, tumatawag ka na. Alam mo bang five ng umaga pa lang dito sa Florence?"

"Bes, makinig ka. Mukhang ikakasal na ko sooner or later!"

"Weh? With your new jowa na si Anderson na three months ago mo pa lang nakikilala?"

"Ayoko mag-assume, pero assuming talaga ko bes! May dinner party next week sa Batangas, isang private resort na pag-aari ng family ni Anders. He invited all of his friends and my friends as well. Di ka niya macontact so he asked me to invite you. Feeling ko magpropropose na siya sakin!"


Grabe makatili si Hailey sa phone! Parang cow na ginigilitan ng leeg!


Whirlwind romance si Anders at Hailey. Nagkakilala few months ago, naging sila after ilan weeks at ngayon magpropropose na?


Aba, matinde!


"Baka naman dinner lang talaga, feelingera ka naman!" sabay hikab sa kabilang linya.

"Malakas ang pakiramdam ko, malapit na kong maging engage kay Anders."

"Sigurado ka ba dyan? I mean kakikilala mo pa lang sa lalakeng yon?"

"Mahal ko siya bes! Sobrang love ko parang yung baliw baliw na love mo kay Ross, alam mo yun?"

"Eeeeennnggk! Bawal pag-usapan ang taong yan. Balik tayo sa fictional engagement party mo."

"Basta feeling ko magpropropose na siya, so dapat pumunta ka ah?"

"Oo naman, isang sakay lang naman ng jeep from Italy to Batangas."

"Belle? Please? Alam ko di ka umuuwi sa Manila pero para man lang sakin?"

"Hailey, pinapauwi din ako ni mommy at daddy sa Manila. Nagkaproblema sila sa company at need muna nila ng help ko dahil biglang nagresign ang country manager nila. So yes, makaka-attend ako ng make-believe engagement party mo!"

"Yes! Bes thank you! Samahan niyo ko ni Jasmine sa pagpili ng wedding dress at wedding suppliers."

"Wedding agad? Di mo nga sure kung proposal yan, ambisyosa! Anyway, susuportahan kita Hailey."

The Perfect HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon