Chapter 29 - Octopus

13.9K 270 11
                                    

Kung di ako naging gaga, eh di sana perfect family na kami. Palagi kami pumupunta sa zoo at sa park.


Kaso gaga nga ako di ba?


Bago kami umuwi, dumaan kami sa isang ice cream parlor sa loob ng zoo. Napansin ko na parang may katext si Ross dahil tutok na tutok siya sa phone niya. Bago pa ko makapag isip ng mga imaginary scenarios, tumayo si Ross sa mesa at lumabas ng ice cream parlor.


Ano pa ba expect niyo sakin?


Malamang susundan ko siya, baka may scoop ako masagap.


Pag bukas ko ng pinto, nakita ko si Sheena Carlisle na nakapulupot ang mga makikinis na braso sa leeg ni Ross. She is a famous Fil-Am international model.


Sino ang hindi nakakakilala sa babaeng to na kulang na lang makita at kepyas sa pagpopose sa mga men's magazine?


Balak ba niyang maging octopus someday? Grabe makapulupot ng braso kay Ross, parang walang bukas!


Nabigla si Ross ng makita ko na nasa labas din ng ice cream parlor.


Bakit siya mabibigla? Di pa ba niya ko kilala na certified tsimosa ko pag dating sa kanya?


"Belle, this is Sheena. My fiancee," he introduced her sweetly, mas matamis pa sa condensed milk with sugar.


Bago pa ko makasagot, niyakap ni Ross si Sheena sa beywang at hinalikan sa harapan ko na parang wala ako dun.

May paholding holding hands pa kanina sakin tong si Ross, tapos maka dikit siya sa fiancee niyang model, parang linta.


"Hi Belle. Ross already told me about you and your son. Just so you know, I'm fine with that. As long as I'm with Ross," sabay abot ng kamay niya sakin for shake hands.

The Perfect HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon